
Stories natalie
“Okay class dismiss” Sabi ng guro. Ang mga studyante ay kanya-kanya ng ayos ng kanilang mga gamit para umuwi. “Nat sabay na tayo umuwi” saad ni Josephine habang papalapit kay Natalie na busy pa rin sa pag aayos ng kanyang mga gamit. “I wish I could jho but I have something to do first, may kakausapin pa kasi akong tao eh” hingi ng paumanhin ng dalaga sa kaibigan habang papalabas na ng kanilang room. Naunang umuwi si Josephine habang si Natalie ay naiwan upang mag abang ng bus patungong bayan. “Good Morning Miss,ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” Tanong ng babaeng naka-uniform ng pang receptionist.” Ah! Just Call me Natalie,gusto ko po sana makausap si Mr.Baronman” pakiusap ng dalaga. “Miss Natalie si Mr. Baronman ay kakaalis lang po may appointment po kasi sya sa may ari ng Building na ito,” Saad ng babaeng receptionist, “Kung gusto mo mag iwan ka nalang ng note para kay Mr.Baronman sa kanyang sekretarya sa second floor.” Dugtong nito “okay babalik nalang siguro ako, maraming salamat ha!” buong galang na saad ni Natalie,paalis na sana siya nang “Well! Well! Well! Nakikita nyo ba girls kung sino ang nasa harapan natin?” Tanong colline sa mga kaibigan. “Anong ginagawa mo ditto? Buti at pinapasok ka rito, alam ko kasi mga mayayaman lang ang pwedeng pumasok dito eh!” Mahabang sabi ni lorry na kaibigan ni colline. Patuloy ang pangungutya ng mga kaibigan ni colline sa dalaga habang si Natalie ay pigil na pigil sa kanyang emosyon,mabuti nalang at di sya pumapatol samga ganung klase ng pang aasar. “Halika na mga girls wala tayong mapapala dito sayang lang ang oras natin..hmmmp…” aya ni colline sa mgakaibigan sabay ismid kay Natalie. “Miss Natalie pasensya kana sa mga ugali nang mga batang iyon hah!hayyy naku porke’t mapepera ang mga magulang kung umasta kala mo kung sino, laki kasi sa layaw…” mahabang paliwananag ng receptionist sa dalaga. “naku wag po kayo humingi ng paumanhin, hindi naman po lahat ng mayayaman ganun ang ugali, may mas mapera pa sa kanila pero di tulad ng ugali nila, sige po aalis na po ako maraming salamat po ulit ha..”paalam ni Natalie sabay labas na sa nasabing hotel. “Bakit ngayon kalang Nat?” buong pag aalalang sabi ni Josephine sa dalaga, “ pasensya kana jho naglakad lakad pa kasi ako eh, sorry pinag alala pa kita” sabi ni Natalie habang nag papalit ng damit pambahay. “ sya nga pala friend nagawa mo naba yung assignment natin sa Geography,,,haaayyy kainis bakit naman kasi sa dami ng subject si mr. howard pa ang nagbigay ng assignment,” mahabang saad nang dalaga habang sinasara ang aklat at nakatitig kay Natalie. “ hindi ko pa nagagawa jho, mamaya nalang
pagkatapos ko magreview sa chemistry.” Paliwanag naman ng kaibigan habang nilalabas ang mga gamit sa paaralan mula sa bag. “ikaw nakapag review kana ba sa chemistry?” tanong ni Natalie sa kaibigan “ oo naman nuh tapos napo ma’am, at saka asa naman ako na pakokopyahin mo ako bukas sa test…heheheheh papamisa ako pag pinakopya mo ako” pang aasar ni jho sa kaibigan “ sira ka talga hehehehe oh! Sya matulog kana baka mag ka wrinkles ka pa kasalanan ko nanaman” saad nang dalaga kay jho. “Gudnyt friend, wag ka masyado mag pupuyat” paalam ni jho para matulog. Pasado alas dose na nang matapos ang dalaga sa paggawa ng assignment sa geograpiya at pag rereview sa chemistry nang maisipan na nyang matulog. “Mr. Baronman kamusta ang anak ko?” Tanong nang isang babae kay Mr. Baronman, kitang kita sa kanyang mga mata ang kalungkutan at pangungulila sa anak na dalaga. “ Hmmm…lately hindi pa kami nag kikita madam but I am pretty sure na masaya sya ngayon sa kinaroroonan at kung sino sya ngayon, napakatalinong bata ng anak mo madam at napaka responsibleng bata.” Mahabang paliwang ni Mr.Baronman sa Ginang. “Maraming salamat sa tulong mo Mr. Baronman hindi nagkamali ang asawa ko sa pagpili sa iyo upang mangalaga sa anak ko.” Buong galang na saad ng babae kay Mr. Baronman. “oh! Paano Mr. Baronman aalis na ako, tawagan mo lang ako kung may kailangan ka or kung may problema especially sa anak ko at magpapadala agad ako ng taong tutulong sa inyo” saad ng babae habang papasakay na sa kanyang limo.. “ masusunod po madam” sagot ni Mr.Baronman. “Natalie gising na mali late nanaman tayo sa skul.” Sabi ni jho habang yinuyugyog ang kaibigan upang magising. “ hmmmm… masakit ang ulo ko jho!” mahinang sagot ni Natalie sa kaibigan. “hah! bakit anong oras kaba natulog kagabi,hmmp sinabi ko naman sa iyo na huwag kang mag pupuyat eh,” pag aalalang bigkas ni jho habang hinawakan sa noo si Natalie. “ Sige magpahinga ka na lang at ako na ang bahala, gagawa nalang ako ng excuse letter at papaliwanag ko nalang sa mga instructor natin” saad ni jhosephine sa kaibigan “ no, wait iinom nalang ako ng gamot ayaw ko mamiss ang isang test natin, give me 10 minutes to take a bath.” Sabay bangon ni Natalie at nagmamadaling nagtungo sa bathroom. Makalipas ang 20 minutos ang nag gayak na ang dalawa papasok sa skul. “Hello! Miss you look familiar? Have we met before?” sabi ng matandang babae kay Natalie. Di naman nakakibo ang dalaga dahil sa pagkagulat. “mom bakit tayo huminto,mahuhuli na ako sa klase ko” saad ng
dalaga na katabi ng matandang babae. “so, ang dalawang bruha!” Sabay baling nito kina Natalie at Josephine. “mom familiar nga sila sa inyo kasi kaklase ko yang dalawang yan.” Saad ni colline sabay turo sa magkaibigan. “oh! Im sorry miss, kaklase pala kayo ng anak ko nice to meet you, ingat kayong dalawa.”paalam ng ina ni colline sa dalawa. “Natalie, huuyy! Anong nangyari sa iyo wala na sila nakaalis na, helow! kamusta naman yun miss Natalie at parang tuod ka dyan, nakakita kaba ng multo, hehehe sabagay si colline mukhang multo hahaha!” sabay tapik nito kay Natalie habang humahagikgik sa tawa. Hindi namam nakakibo and dalagang si Natalie dahil sa pagkagulat, pagkagulat nga ba o sa takot na baka nagkita na nga sila ng matandang babae, saan? At kalian? “Natalie alam mo kanina ko pa napapansin napakatahimik mo, okay ka lang ba talaga hah!” tanong ni Josephine sa dalaga. “ yah! Okay lang ako jho.” Tugon nito. “ hmmm mukhang may sasabihin ka sa akin,meron nga ba?” tanong ulit ni Josephine sabay baling sa kaibigan. “Mayroon nga eh, jho mag tatrabaho ako”maikling tugon nito. “hah! Bakit ubos na ba ang savings mo,?” laking gulat ng dalaga sa sinabi ng kaibigan. “ jho antayin ko pa ba na maubos ang savings ko bago ako magtrabaho”saad nito.” Well may point ka nga friend.” Sabi ni jho. “hehehehe talagang paalam to da max ka dyan friend ha, parang ako ang nanay mo ah!”pang aasar nito sa dalaga,” sira! Syempre kaibigan kita at kasama kita sa dorm kaya dapat sabihin ko rin sa iyo nuh” sabay tawa ni Natalie. “miss colline,ready na ba ang report mo ngayon?”Tanong ni Mr. Howard sa dalaga. “ahmm.. sir ano po kasi eh, ahhh…masama po kasi ang pakiramdam ko kagabi kaya po hindi ako nakapag handa, sa totoo lang mr. howard may sakit nga po ngayon eh! pinilit ko lang po pumasok kasi po ayaw ko mamiss ang subject nyo.sorry mr. howard.” Hingi nang paumanhin ng dalaga sa kanyang guro kalakip ng kasinungalingan. “mr. howard……”tawag ni colline sa ginoo sabay turo kina Natalie at Josephine na kapapasok pa lamang sa kanilang class room. ”hmm… ok miss. Natalie and miss Josephine bakit kayo late?”tanong ng ginoo sa dalawang magkaibigan na parehong napahinto sa kinatatayuan. “sorry sir, natagalan po kasi kami sa bus hindi na po mauulit.” Paliwanag ni Natalie. “ okay, so, kayong dalawa ngayon ang papalit kay colline para magreport, get ready after5 minutes and present your report to us.”sabi ni mr. howard at sabay upo sa kanyang upuan. Samantala si Josephine naman ay hindi mapakali dahil hindi sya nag basa about sa topic ngayon sa halip sya ay natulog kagabi.
“ Nat, paano yan wala akong alam sa topic natin ngayon,” pabulong na sabi ni josephine sa kaibigan at kinakabahan. “lintik kasi na Colline ito eh”asar na sambit ng dalaga sa sarili. “okay jho don’t worry ako nalang ang mag rereport sagot na kita.”sabi ni Natalie habang isa isang nilalabas ang note na sinulat kagabi. “ ano ready naba kayo sa reporting tagal naman, sige kayo baka mainip si mr. howard at pagalitan kayong dalawa, ano Natalie alam mo ba, sorry ha dapat kasi ako ang magrereport nyan kaya lang ala na kasi akong time kagabi” sabay ngisi ni colline habang papalayo sa magkaibigan.”tingnan natin ngayon Natalie”bulong nito. Makalipas ng 5 minuto at pumunta na sa harapan si Natalie upang ayusin ang mga gamit para sa kanyang pagrereport, kumuha sya ng kapiraso ng chalk at nag drawing ng isang chart. Isa isa nya ngayon pinaliwanag ang bawat personal na nakasulat sa box na iyon at sinabi kung saan lugar matatagpuan ang mga nabangit. Sa pagkabigla ng mga mag aaral ay tahimik silang nakinig kay Natalie habang nagpapaliwanag sa harapan maging si mr. howard ay hanga sa kagalingan ng dalaga sa pagsasalita at pagpapaliwanag. Si colline naman ay sobrang inis dahil bakit alam ni Natalie ang mga detalyeng iyon na sa hinagap ay wala syang nakitang reference para sa report na iyon. Makalipas ang 30 minutos na pagpapaliwanag ng dalaga ng paalam na ito kay mr. Howard na sya ay mauupo. Sa pagkakataong iyon ay napahanga nito ang matanda, maging ang pang uuto ni colline sa matanda ay kinalimutan nito sa halip ay bbigyan nya ito ng leksyon.”miss colline go to my office now”buong sabi ni mr. howard sa dalaga kalakip ng pag uutos nito na magpunta sa opisina. “great Natalie,how did you know all those details about the Royal families and there location?”tanong ni jho sa kaibigan habang nag lalakad ang dalawa palabas nang campus.walang binanggit si Natalie sa halip ay tinawanan lang nito ang tanong ng kaibigan. “Mr. baronman, may gusto po kumausap sa inyo” sabi sa kabilang linya. “sino sya lyra?” tanong ng matanda sa kanyang secretary, “Natalie daw po sya sir”sagot nito.”ah okay sige patuluyin mo sa opisina ko, thank you lyra.”pasalamat ng matanda sabay baba ng telepono. Maya maya ay pumasok na ang inaasahang bisita. Lumapit ito sa pinto upang salubungin. “good to see you Natalie, its been a long time na di tayo nagkita ah,” sabi nito sabay alok sa dalaga na maupo sa sofa. “oo nga po mr. baronman pasensya na po kayo marami po ksi akong ginagawa sa iskul, lalo na po ngayon na graduating ako.”Sabi ng dalaga sa matanda sabay baba nito ng kanyang gamit sa tabi. “ mr. baronman nagpunta po ako dito para po sana
mag aaply ng trabaho kung okay lang po sana?”magalang na tanong nito sa matanda. “hah. But Natalie you don’t have to do this”sagot ng matanda.”please mr. baronman ikaw lang po ang malalapitan ko eh, alam ko na wala naman tatanggp sakin sa ibang kumpanya, kahit mababang posisyon lang po tatanggapin kopo, promise magsisipag po ako.”hingi ng pabor ng dalaga. “haaayyy Natalie, Natalie.hindi mo naman kailangan magmakaawa sa akin, syempre isang salita mo lamang pagbibigyan kita iniisip ko lang kasi na hindi ka naman dapat nag tatrabaho,oh! Sya sige bumalik ka dito bukas bandang alas kwatro ng hapon pagkatapos ng meeting ko, okay” sabi ng matanda.sa tuwa ay nayakap ni Natalie si mr. baronman ng biglang pumasok ang sekretarya nito na nabigla sa nakita. Namula naman ang matanda sa reaksyon ng sekretarya dahil alam nito na iba ang nasa isip ng kanyang empleyado. Di nagtagal ay nagpaalam na rin ang dalaga kay mr. baronman at naggayak na ang dalaga, habang si mr. baronman ay busy sa pagpirma ng mga papeles na dinala ng kanyang sekretarya sa kanyang opisina. “Natalie sabay ba tayo uuwi mamaya?” tanong ni jho sa kaibigan nagbabasa ng pocketbook. “ may pupuntahan pa ako mamaya jho baka mahuli na ako sa pag uwi” sabi nito sabay hablot sa binabasang pocketbook ng dalaga.”hey, what is this? Tama ba na magbasa ng ganito sa iskul hah, eto oh, basahin mo magreview ka kaya nuh” sabay abot nito ng libro ng English sa dalaga.”ano bayan hah,nasa climax na ako nat eh, inagaw mo naman, tapos na po ako magbasa sa English nuh, teka change topic ka nanaman dyan ha,”sabi nito dahil nakahalata na nag iba ng usapan ang dalaga.” Hmm..lagi ka nalang may dinadaanan, hindi tayo nagkakasabay sa pag uwi,imbitahan pa naman sana kita mamaya eh, pasama ako magkikita kami ni roel.” Tampong sabi nito sabay agaw ng pocketbook sa kaibigan at sinilid agad nito sa kanyang bag.” Hmmm tampo ang best friend ko ah,magpapasa kasi ako ng resume mamaya jho, kung gusto mo samahan mo ako and then pagkatapos ay sasamahan kita sa date mo hehehehe” natatawang sabi nito upang di magtampo ang kaibigan. Gaya ng napagusapan ay sabay nga umalis ang dalawa, bakas naman sa mukha ni jho ang saya dahil nakasabay na naman niya ang kaibigan sa pag lalakad. “wow,nat ,ang ganda naman ng lugar na ito, parang palasyo” buong pag hanga ni jhosephine sa nakikita. “heheh ganun ba oo nga eh, dito ako magtatrabaho.”masayang sabi ni Natalie sa kaibigan.”hah ano ang daya mo naman nat, sana ako din hehehehe pde ba ang beauty ko dito kahit sa
reception lang uh, bongga hehehe” sabi nito sa dalaga na wala pa rin tigil sa paglinga linga. Habang nag lalakad sa pasilyo ay nakasalubong naman nila ang mga lalaking galing sa loob ng opisina ni mr. baronman. Buong galang na bumati ang dalawa sa mga ito. Di alam ni Natalie na titig na titig sa kanya ang isang lalaki na hindi naman katandaan, sa halip ay sya ang pinakabata sa mga nasabing bisita ni mr. Baronman. “ oh, Natalie andyan ka na pala’well gentlemen this is Miss. Natalie and this is…”sabay tingin kay jho. “hi im Josephine Delos Reyes” buong tapang na pakilala ng dalaga kahit hindi siya tinatanong. “ahh, mr. baronman she is my best friend si Josephine po.”sabi agad ni Natalie sa matanda. Nagbigay galang ulit ang dalawa sa mga bisita ni mr. baronman. Pagkatapos ay nag si alisan na ang mga ito at naiwan ang tatlo si mr.baronman, Natalie and Josephine. Biningay agad ni Natalie ang kanyang resume sa matanda at hindi na rin sya nag tagal sa hotel na iyon dahil nga gaya ng pangako nito sa kaibigan ay sasamahan niya ito makipag kita sa date nito. “pare wala pa ba iyong ka date mo?” tanong ng lalaki sa kaibigan.na halatang gusto nang umalis dahil may appointment pa sya sa kanyang girlfriend. “ naku pare pasensya ka na hah nagpasama pa ako sa iyo dito, alam mo naman na di ko alam iyong mga lugar dito eh. Kung gusto mo pare mauna kana then tawagan nalang kita pag pauwi na ako.”hingi ng paumanhin ng binata sa kaibigan. Di nagtagal ay umalis na nga ang binata dahil baka sya naman ang mahuli sa appointment nito.makalipas ng 5 minuto ay dumating na rin sa wakas ang inaantay nito. “ naku roel sorry late ako, este kami pala kasama ko nga pala ang bestfriend ko.sya nga pala si Natalie”pakilala ni jho sa kaibigan” and Natalie sya naman si roel iyong naikwento ko sa iyo”ani nito. “Kinagagalak kitang makilala roel” sabi ni Natalie sabay shake hands nito sa binata. “Pleasure is mine” tugon nito. Maya maya lamang ay naupo na ang tatlo at nag order na ng pagkain upang pagsaluhan. Nabanggit din ni roel na kaalis lang ng kanyang kaibigan,sayang nga lamang at di sila nagpang abot. Makalipas ang masayang pag uusap ay nag gayak na ang mga ito upang umuwi.halatang halata naman sa mukha ni Josephine ang kasiyahan dahil sa mga magandang nangyari sa kanya sa araw na ito. Si Natalie naman ay masaya sa kaibigan dahil first time nito mag pakilala ng manliligaw. Hmm. Di na masama, wala naman siya masabi kay roel dahil mabait naman ito at humble. Pinauna na silang pinasakay ni roel sa taxi bilang gentleman, nagpaalam na ang mga ito sa dalaga at umasang
magkikita pa sila. Nakaalis na ang dalawa ng pasakay na rin sana ng taxi ang binata nang may tumawag sa kanya.” Roel!!!”nilingon nito ang pinanggalingan ng boses at nakita niya and kaibigan. “naku sorry bosing hind na po ako sasakay andito na iyong kaibigan ko.” Paliwanag nito sa drayber sabay sarado sa pinto.”pare kamusta naman and date mo.?”tanong nito sa kaibigan. “ okay na okay pare, hehehe sayang wala ka, ganda pala ni Josephine sa personal hehehehe, kaya lang pare sayang di mo nakilala iyong kaibigan niya, mabait at maganda din”panghihinayang nito. “ naku pare alam mo naman na may girlfiend na ako.ikaw talaga halika na nga at umuwi na tayo nag aantay na si mommy sa atin” aya nito sa kaibigan. “Good morning miss natalie, pinapasabi nga pala ni mr. baronman na magtuloy ka sa kanyang opisina pagkadating mo.” Sabi ng sekretarya ni mr.baronman. pagakasabi nito sa dalaga ay hindi na nag atubili na pumunta ng opisina si Natalie, kumatok muna ito bilang paalam na sya ay papasok, pagkarinig ng boses sa kabilang pinto ay pumasok na si Natalie at bumati ng buong galang sa matanda. “oh, natalie good morning din,halika maupo ka dito.” Sabi ni mr.baronman sabay alok ng upuan kay Natalie. Gusto mo daw po ako makausap mr. baronman”nakangiting tanong ni Natalie sa matanda. “yah, sya nga pala Natalie antayin lang natin ang makakasama mo sa trabaho.”sabi ng matanda,maya maya lamang ay bigla may kumatok sa pintuan at pinatuloy ito ng matanda. “good morning sir, sabi ni Hẻny pinapatawag nyo daw ako.”sabi ng binata sa matanda na hindi man lang lumilingon sa kinaroroonan ni Natalie. “oo, Henry, I want you to meet miss. Natalie, sya iyong inasign ko bilang papalit sa dati mong sekretarya.” Sabay turo nito kay Natalie. Sa pagkasabing iyon ni mr.baronman ay saka lamang hinarap ng binata ang nasabing dalaga. “hello sir henry,” nangingiming bati ni Natalie sa binatang nasa harapan nya, hindi dahil natatakot sya dito kundi nahihiya, dahil kung makatitig ang binata mula ulo hanggang paa ay para sya nitong lalamunin ng buong buo. “hi,how are you, nice too meet you” sabi ng binata kay Natalie sabay shake hands nito. Pagkatapos magkakilala ng dalawa ay nagpaalam na si henry kay mr.baronman na babalik na ito ng kanyang opisina, samantalang si Natalie ay pinaiwan muna sandali ni mr. baronman upang makausap. Pagkalabas ng opisina ni henry ay nahagip agad niya ang usap usapan ng ibang empleyado tungkol sa bagong sekretarya nito. Kaya daw nag karon agad ito ng trabaho ay may namamagitan daw sa dalawa kay mr, baronman at Natalie, naiisip tuloy nito kaya siguro pinaiwan pa ito ng matanda sa kanyang opisina imbis na kasabay na niya itong pupunta sa
kanyang opisina. Di nagtagal ay nagpunta na rin si Natalie sa opisina ni henry. Hinanap agad nito ang kanyang lamesa, ito ay nasa gawing kanan ni henry. Pagkapasok nito sa opisina na binata ay humanga agad ito dahil napakalinis at bango ng opisina nito, ni wala kang maamoy ng usok ng sigarilyo, instead pabango ang maamoy mo. Sa gawing kaliwa naman ang mini kitchen nito sa tabi ay ang comfort room. Nagtuloy na ang dalaga sa kanyang lamesa at isa isang inayos ang kanyang mga gamit. “so magstart kana ngayon and habang di mo pa kabisado ang mga gagawin ay tutulungan ka muna ni Leticia, and nakausap ko na rin si mr. baronman tungkol sa oras ng pagpasok mo dito sa opisina”seryosong sabi ng binata sa dalaga. “hmmmm kamusta naman kaya ang kaibigan ko sa trabaho nya?”sabi ni jho habang niyakap si Natalie na kadarating lamang galing sa opisina.”hayyy nakakapagod at sobrang pressure,hmmm hindi sa trabaho kundi sa boss ko napaka sungit.”sabi ni Natalie habang binababa ang gamit nito sa lamesa. Samantala si Josephine naman ay naghanda ng kanilang hapunan. “wow, ang bango naman nyan jho.”sabay lapit ni Natalie sa lamesa at sabay amoy sa pagkain na inihain ni Josephine. “heheheheh! Bango ba syempre nagluto ako ng special para sa iyo para pag sweldo mo ititreat mo ako heheh!”pabirong saad nito.”halika kumain na tayo at maaga tayo matulog pasok nanaman bukas sa school,”saad nito. Masayang naghapunan ang dalawa at sarap na sarap si Natalie sa inihain na pagkain ng kaibigan.pagkatpos kumain ay nagshower na si nataie upang maagang matulog. Sa school habang nag lalakad ang magkaibigan papasok sa gate ay may di inaasahang bisita si Josephine, lalong di nito inaasahan dahil kausap pa nito sina colline at ang mga kaibigan nito. Nang Makita sila nito ay lumapit na ito sa kanila. “hello jho, hi Natalie, kamusta, bumisita lang ako rito sa eskwelahan niyo.”sabi ni roel .”ito ok lang naman kami wow ha, nag abala ka pa na pumunta dito,pasensya ka na ha unang punta mo dito mga bruha agad ang nakausap mo,”sabi ni jho kay roel sabay tingin sa kinaroroonan nila colline.”hah!anung bruha?”ka inosentehang sagot ng binata.”nope just kidding hehehe,halika sa canteen”aya nito sa binata sabay kawit nito ng kamay sa braso ng binata upang inggitin ang mga matang nakatitig sa kanila bagay na nagustuhan naman ni roel,samantala si Natalie ay napapailing nalang sa kakulitan ng kaibigan. Nagawa nito magflirt sa lalaki haayyy Josephine….nagtungo ang mga ito sa canteen doon ay nag almusal at nag kwentuhan na rin, makalipas ang ilang minuto ay tumunog na ang bell signal
na umpisa na ng kanilang klase. Nagpaalam na rin ang binata sa magkaibigan at gayun din ang mga ito sa binata. “natalie pinabibigay nga pala ni sir henry.”sabi ni Leticia na nagtatrabaho din sa hotel na iyon.at sabay abot nito ng mga papers kay natalie.”ah okay thank you letecia saan nga pala si sir henry.”tanong nito sa kay Leticia. Si Leticia ang pansamantalang nag tuturo kay natalie habang bago palang ito sa opisina. Siya ang nakatalagang magtrain kay natalie ng isang lingo.”naku! andito iyon kanina dumating kasi iyong girlfriend niya eh nag aya mag lunch.”paliwanag nito sa dalaga. “ah ganun ba,ok so let start our lesson.” Sabi ni natalie habang binubukasan ang mga folders na iniabot sakanya kanina. Tinuro ni Leticia ang mga dapat malaman ni natalie bilang isang sekretarya, pati ang mga contacts person na dapat alam din ni natalie. Madali naman natutunan ng dalaga ang mga tinuro sa kanya ni Leticia. Nag seself study rin kasi sya habang wala syang ginagawa. Maya maya ay nag paalam muna si Leticia na pupunta sa kanyang desk upang tapusin ang ibang reports na pinapagawa sa kanya ni mr. baronman. Naiwan mag isa si natalie sa opisina ng bumalik na si henry galing sa lunch date nito.”good afternoon sir”magalang na bati ni natalie sabay tayo nito.”good afternoon din”matipid na tugon ng binata sa dalaga. Makalipas ang 3 oras ay natapos din ni natalie ang mga dapat nyang gawin para sa kanya madali lang naman kung willing kang tapusin ang bagay na gusto mong gawin. “natalie paki set mo ako ng appointment kay mr.lucas, tomorrow afternoon ok.”sabi ng binata kay natalie. “yes sir” sagot nang dalaga at hinanap agad nito ang directory upang kontakin si mr. lucas. “sir, sabi ni mr.lucas ay magkita daw kayo sa victory restaurant around 4 and mag aantay nalang daw po sya sa inyo doon and sir thank you daw po.”paliwanag ni natalie sa kanyang boss. “okay job well done miss natalie.”saad ng binata sabay tayo at kuha ng kanyang vest sa swivel chair at aktong aalis na ng opisina, “okay mauna na ako sa iyo may appointment ako sa ako ngayon pakisagot nalang ng mga phone calls ko ok and sabihin mo na may mahalaga akong nilakad ngayon. Bye,,,see you later”paalam ng binata kay natalie.”okay sir”maikling sagot ni natalie. Naiwan nanaman na mag isa si natalie sa opisina, naisip nya tuloy na lagi nalang umaalis ang amo nya. Habang walang magawa ay nag basa muna si natalie ng kanyang favorite books nang makatanggap ng phone calls. “hello good afternoon”sagot ni natalie. “hello! Andyan ba si henry, si mylene ito gusto ko sya makausap.”sabi sa kabilang linya. “ahhmm ma’am wala po si sir henry dito ngayon umalis po sya dahil may ka apointment po sya ngayong
hapon,”paliwanag ni natalie.”ano? apointment nanaman tuwing tatawag ako dyan lagi syang may ka apoinment, miss pwede ba wala ako panahon sa kasinungalingan mo, gusto ko makausap si henry ngayon din, naintindihan mo ba.”mataray na sagot nito.”ma’am wala po talaga si sir henry dito, and ngayon ko lang po kayo nakausap kaya di ko alam na ilang beses na pala kayong tumawag dito,and wala po akong mapapala kung mag sisinungaling ako sa inyo.kung gusto nyo po ay mag iwan nalang kayo ng message para kay sir henry.”mahinahong paliwanag ni natalie sa babaeng kausap sa kabilang linya.”aba at sumasagot ka pa dyan, makikita mo tandaan mo itong araw na ito miss.”sabay bagsak ng telepono.”Oucchhh…!”napasigaw sa sakit si natalie dahil sa pag kabagsak ng phone sa kabilang linya pakiramdam nya nabasag ang eardrum nya. “uh anung ngyari sa iyo natalie at napasigaw ka”tanong ni Leticia habang napapangiti kay natalie.”naku may tumawag kasi hinahanap si sir henry ayaw na maniwala na wala dito si sir henry at iyon nag taray.”dina naituoy ni natalie ang pagkwento dahil tinuloy na ni Leticia” at binag sakan ka ng telepono, I guess si mylene iyon, naku humanda ka bukas andito iyon at mag susumbong sa amo mo.heheheh”natatawang sabi ni Leticia.”anu di ka pa ba uuwi sabay na tayo.”aya nito kay natalie.”ah ok wait ligpitin ko lang itong gamit ko. Gabi na rin pala may pasok pa ako bukas.”sabi ni natalie habang niligpit ang mga gamit at nag gayak na pauwi. Nakagaanan kaagad ni natalie ng loob si Leticia, dahil mabait ito sa kanya at isa pa ay pareho nya itong dalaga pa. nagkasundo sila sa mga ibang bagay gaya ng may pagkakatulad sila sa hobby tulad ng hilig sa pag babasa at pagsusulat. Kinabukasan ay di pumasok si natalie sa school dahil may tinatapos syang presentation para sa meeting ni henry kay mr. lucas sa hapon. Di inaasahan ni natalie na pati iyon ay ipapagawa pa sa kanya ni henry na dapat sya ang gumagawa nito. Busy si natalie sa paggawa ng reports ng may dumating na di inaasahang bisita si henry. “hello! Sweetheart”bati nito sa binata at sabay halik nito sa labi ni henry. Biglang napayuko si natalie sa nakita dahil siya pa ang nahiya sa ginawa ng babae, hinalikan nito ang kanyang amo sa harapan pa mismo niya. Medyo naiinis naman si natalie at napatingin kay henry at parang gusto pa nito ang ginawa ng babae sa kanya sabagay sino nga ba naman ang lalaking tumanggi sa halik, at ang babae mismo ang nag umpise.dahan dahan inilayo ni henry ang babae sa kanyang harapan at buong takang tinanong ito kung ano ang ginagawa nito sa opisina niya. “hmmmm.. mukhang hindi ka masaya sa pagpunta ko dito sweety,
tumatawag ako sa iyo hindi mo manlang sinasagot, nakakainis ka na.”sabi nito at mahinang sinuntok nito sa binata sa dibdib.sabay lambitin ulit nito sa binata at tangkang hahalikan na naman niya ito. “shhhhh.. stop it mylene, nakakahiya may tao sa harapan natin.”bulong nit okay mylene at sabay tingin kay natalie na nakita niyang busy sa ginagawa ang dalaga.”ah, so ikaw pala ang nakasagot ng tawag ko kahapon, may pagka bastos din pala itong sekretarya mo sweetheart,”sabi nito at nagtungo sa pwesto ni natalie. “now miss ngayon kilala mo na ako,galangin mo ako dahil girlfriend ako ng amo mo okay. Naiintindihan mo ba.”sabi pa nito sabay titig nito okay natalie, si natalie naman ay di kumikibo dahil ayaw niyang lumabas na bastos sa harapan ni henry, teka bakit nga ba na hihiya sya sa iisipin ni henry.hhmmm something fishy hah.akala nila ay aalis kaagad si mylene sa opisina ni henry sa halip ay umupo pa ito sa sofa at parang senyorita na nag utos pa. “sweety wala ba kayong kape dito, di manlang marunong mang alok ng kape ang sekretarya mo.” Sabi ni kay henry at saktong pasok ni Leticia at sya na ang nag presenta na magtitimpla ng kape. “no, ayaw ko sa iyo, sweety gusto ko ang babaeng iyon ang magtimpla.”hiling nito kay henry.nagkatinginan tuloy sina henry at Leticia sabay tingin kay natalie. Nasa tingin ni henry ang pag hingi ng despensya sa inaasal ng kanyang girlfriend. “ok wait po ma’am ipagtitimpla kopo kayo ng kape”sabi ni natalie sabay tayo at tungo sa mini kitchen, sumunod naman si Leticia sa kanya. “pasensya ka na dun sa bruha na iyon hah, dati ako ang gusto nya na magtimpla ng kape nya, “hingi ng tawad ni Leticia kay natalie.”okay lang iyon di naman ito big deal,teka hah dadalhin ko na ito kay ma’am mylene.”sabi ni natalie at nagtungo na sa kinaroronan ni mylene, tinimplahan din nya ng kape si henry. Wala naman reklamo ang binata sa halip ay pinuri pa nito ang kanyang tinimplang kape.bagay na ikinatuwa ni natalie,samantala. “yaakkss, ano bang klaseng kape ito napakatamis naman, ayoko nito, pde palitan mo.”reklamo ni mylene at nag inarteng diring diri sa tinimplang kape ni natalie, nagtimpla ulit ng kape si natalie binawasan niya ng konti ang asukal na tinimpla niya kanina, akala nya ay magugstuhan ito ng dalaga dahil sinabi ni Leticia kung anong klaseng timpla ang gusto ni mylene sa halip ay nag reklamo pa ito. Inihatid ulit nito ang tinimplang kape sa dalaga at paupo palang si natalie sa upuan niya ng. “eewww, di kaba marunong magtimpla ng kape hah, kape lang di mo pa matimpla ng maayos, anung klase ka ba ha.”panunutya na nito kay natalie.”honey enough!”sigaw ni henry dahil alam nito na nananadya na ang dalaga. biglang tumayo si natalie at kinuha ulit niya ang tinimplang
kape.”uulitin ko nalang ang pag timpla, sorry ma’am”sabi ni natalie at bumalik ulit sa mini kitchen samantalang si Leticia ay masama na ang tingin kay mylene sa maling asal nito kay natalie.maya maya ay bumalik si natalie na dala ang tray.”ano naman ibig sabihin nito.?”tanong ni mylene kay natalie sabay turo sa bagay na dala niya.”ma’am ito po ang tasa, ito naman po ang sugar, coffe, and cream. And ito ang hot water. kung hindi niyo po magustuhan ang tinimpla ko ayan po kayo nalang po ang mag timpla ng kape nyo ma’am. Sige po may mas importante pa akong gagawin kaysa sa pagtimpla ng kape mo.”mahabang sabi ni natalie sabay talikod nito. hindi naman nakakibo si mylene dahil napahiya siya sa ginawa ni natalie. Hindi sya pinagtanggol ng kanyang boyfriend sa halip ay nakatingin lang ito.”bastos! di pa tayo tapos natalie.”sabay walk out nito at hindi na nag paalam kay henry. “sir di niyo po ba susundan ang girlfriend mo, sorry po.”magsasalita pa sana si natalie ng biglang hawakan ni Leticia ang kamay niya, di daw kasi ugali ni henry ang humabol sa kanyang girlfriend pag nag wa-walk out ito. Tuwang tuwa naman si Leticia sa ginawa ni natalie dahil first time lang nya nakitang mapahiya ang kinaaasaran nilang girlfriend ng kanilang amo. Maghapon silang magkasama ng amo nya sa loob ng opisina ay hindi man lang siya nito kinakausap, hindi sila mag uusap pag hindi dahil sa trabaho. Quarter to 4 na ng maggayak si henry paalis at papunta sa kanyang appointment ng ayain nito si natalie, “natalie sasama ka sa akin makipagkita kay mr.lucas.”sabi ng binata.”hah! ahmm ok sir ayusin ko lang po itong gamit ko.”nabiglang sabi ni natalie dahil hindi niya inaasahan na isasama siya ng kanyang amo sa lakad nito. Sa loob ng sasakyan ay walang imik ang dalawa, nabasag lang ang katahimikan ng tumunog ang phone ni natalie. “hello, who’s this?”tanong nito sa kabilang linya.”oh!mr. baronman”pagkarinig sa pangalan ni mr. baronman ay tumingin sa kanya si henry, nagtaka si henry bakit tumatawag ito sa kanya.”okay po mr.baronman pupunta nalang po ako sa opisina niyo bukas, thank you so much po bye”paalam ni natalie.hindi alam ni natalie na iba ang iniisip ni henry sa tawag na iyon ni mr. baronman. Bakit naiinis si henry, kanino? Nag seselos ba siya. Makalipas ang ilang oras ng byahe ay narating din nila ang meeting place.pagkapasok palang ay nakita agad nila si mr. lucas na nag aantay sa kanila. “hello mr.lucas how are you?”bungad agad ni henry sa matanda. “hi din henry,kamusta? Ganda ng girlfriend mo ah”bulong ng matanda kay henry na nagpangiti sa binata. Namula naman si natalie dahil narinig nito ang binulong ng matanda.” “hmm. Mr. lucas siya nga pala ang
bago kong sekretarya siya si miss natalie.”pakilala ni henry sa dalaga kay mr lucas. Nagbigay galang din ang dalaga sa matanda.”oh,.you are beautiful young lady. Have a seat.”alok nito sa dalawa. Nagulat naman si natalie dahil hinila ni henry ang kanyang upuan at pinauna siya nito pinaupo, habang paupo siya ay tiningnan niya ang binata at nagpasalamat. Natuwa naman si natalie dahil sa pagka gentleman ng binata sa kanya. Ganun pala ang feeling sabi ni natalie sa sarili. Pagkatapos kumain ng tatlo ay nag usap na ito tungkol sa proposal ni henry kay mr. lucas. Si mr.lucas ang isa sa pinakamayaman sa kanilang bansa, marami itong mga business na itinayo sa ibat ibang lugar, especially resorts. Kaya naisip ni henry na kausapin ang matanda tungkol sa kanyang idea. Balak ni henry na magshare sa gagawing bagong resort ni mr.lucas sa subic. Ang subic ay napapalibutan ng dagat at alam nito na marami ang turistang nagpupunta duon. Maganda ang inihandang proposal ni natalie at ni henry bagay na nagustuhan ni mr.lucas pumayag ito sa balak ni henry at sa susunod na buwan ay magpipirmahan na ang mga ito ng kontrata pagkagaling ni mr. lucas sa korea. Pag katapos ng kanilang usapan ay nagpaalam na si mr.lucas sa dalawa at nauna na itong umalis sa kanila buo naman ang kagalakan ng dalawa dahil sa ganda ng kinalabasan ng ginawa nila. Magpapa alam na rin sana ang dalaga na umuwi ngunit hindi muna ito pinayagan ng binata sa halip ay dinala niya ito sa ibang lugar para icelebrate ang magandang ngyari ngayong gabi. Dinala ni henry ang dalaga sa paborito nitong lugar. Seafood restaurant, isa ito sa paboritong puntahan ng lalaki, kapag gusto nitong mapag isa at magi sip ay dito siya pupunta, gusto din ni henry ang ambiance ng restaurant na ito dahil katabi ito ng dagat makikita mo ang magandang tanawin ng dagat. Busog na busog si natalie kaya hindi na nito naubos ang kanyang pag kain,”ahh.. sir pwede ko ba ipabalot ito di ko naman po kasi naubos sayang naman kasi.”sabi ni natalie sa kanyang amo.nagulat naman si henry sa dalaga dahil alam nito mag tipid. Hindi nga lang katulad ng mga nakilala niyang babae.pinabalot ni henry ang pagkain ni natalie at nag order pa ito ng isa para sa kaibigan nito.bagay na ikinatuwa naman ni natalie.palabas na ng restaurant ang dalawa ng makasalubong nila si mylene na may kasamang ibang lalaki. Hindi naman pinansin ng lalaki ang girlfriend nagtinginan lang ang mga ito na parang di magkakilala. Nang makarating na sila sa sasakyan ni henry at binuksan nito ang pinto at pinaunang pinasakay si natalie pagkatapos ay nagpunta na si henrys a driver seat upang paandarin ang kotse at ng maihatid na ang dalaga sa uuwian nito. Nang makarating na ito sa tapat ng dorm nila natalie ay dina
ito inalok ang binata dahil bawal sa kanila ang magpapasok ng lalaki sa loob ng kwarto nito. “ahm sir maraming salamat po sa dinner and dito sa take out.”pasalamat ni natalie sabay taas ng supot ng pagkain. “walang anuman natalie, anu kaba henry nalang ang itawag mo sa akin pag wala na tayo sa opisina ok. Maraming salamat din sa laki ng tulong mo. Sige na at bukas may pasok ka pa.”sabi ni henrys a dalaga.”ok sir este henry pala, ingat po sa pag maneho gudnyt po see you tomorrow.”sabi nito sa binata sabay labas ng kotse ni natalie. “good morning jho.”bati ni natalie sa bagong gising na kaibigan. “uh anong meron at ang aga mo nagising natalie, teka nga pala anung oras kana umuwi kagabi di na kita naantay pano kasi sobrang antok na ako.kamusta ang lakad niyo ng amo mo.?”tanong nito habang nag hihikab pa.”ok naman successful ang lakad namin, haaayyy friend ang bait pala ni sir henry at napakagentleman pa.”sabi ni natalie na may kislap pa sa mata nito.” Asus kaya naman pala ang aga nagising inlove.hehehe”pang aasar nito.”heh! hindi nuh masama bang humanga hah, ininit ko po kasi itong dala ko kagabi para sa iyo. Mag toothbrush ka na nga ang baho ng hininga mo hehehe!”pang aasar nito sa dalaga.”hah! ang yabang mo naman di naman mabaho ang hininga ko ah”sabay amoy nito sa kanyang bunganga sa pamamagitan ng pagihip sa kamay nito sa tapat ng kanyang bunganga. Pagkatapos maghilamos at toothbrush ng kaibigan ay sabay na itong kumain ng almusal. Pagkakain ay may binigay si jho kay natalie ng notes dahil absent ito ng nakaraang hapon, binasa ito ni natalie buti nalang at madali ang leksyon na ginawa ng mga ito ng wala siya. Nag self study si natalie ng sa ganon ay hindi pa rin sya mahuli sa klase, bandang alas syete ng ma ggayak na ang dalawa papasok sa eskwelahan. “class alam ko na excited na kayo sa darating na graduation natin, magbibigay ako ng kopya ng magiging themesong natin para sa araw ng inyong graduation. Magkakaron din tayo ng rehearsal every Saturday, whole day iyon kaya dito na kayo mag lulunch.”mahabang paliwanag ng kanilang adviser. Tuwang tuwa naman ang mga studyante dahil sa wakas ay gagraduate na ang mga ito. Samantala si natalie ay nag iisip kung papapuntahin ang kanyang mga magulang sa araw ng kanyang graduation. “gusto ko na ang mga magulang nyo ay dumalo sa especial na araw na iyon,ipakita nyo sa kanila na magiging proud sila sa inyo magkakaroon din tayo ng sayawan pag katapos ng inyong graduation. “dugtong ng kanilang guro. Nasa malalim na pag iisip si natalie ng biglang kinalabit sya ni
jho,”huuyyy… natalie natulala ka nanaman.”sabi nito sa kaibigan.”hah hindi may iniisip lang ako.”sabi nito “anu naman ang iniisip mo dyan hah.”tanong ni jho.”wala jho trabaho.” Pagsisinungaling nito.”puro ka nalang trabaho dyan mag saya ka naman kahit minsan dyan mamaya lalabas kami ni roel sama ka, isasama daw niya iyong kaibigan nya.”aya ni jho sa kaibigan, “ah ok sige sama ako anong oras ba?”tanong ni natalie.ala syete ang usapan nila roel at jhosephine na magkikita.inaaya kasi nito ang dalaga sa dinner date, double dinner date. Nangako naman ang dalaga na pupunta sa usapan. “pare free time kaba mamaya?”tanong ni roel sa kaibigan”bakit pare?” balik tanong din nito.” Sama ka sa amin ni Josephine lalabas kami mamaya isasama daw niya ang kaibigan nya eh, remember nabanggit ko na siya sa iyo.”sabi nito.”ok sige wala naman akong commitment mamaya eh pupunta ako,san ba ang location at anong oras.?”tanong nito sa kaibigan. Sinagot naman ni roel ang tanong ng kanyang kaibigan, umaasa itong dadalo sa imbitasyon ng lalaki. Pagkatapos mag usap ay nag paalam na ito na aalis na at marami pang dapat gawin sa opisina. “natalie may lakad ka ba mamaya?”tanong ni henry sa dalaga habang nag babasa ng pinasang report ni natalie sa kanya.sinabi ni natalie na inimbitahan siya ng kaibigan nya mamaya kaya dina nagtanong pa ulit ang binata. Sa pagkasabing iyon ng dalaga ay bahagyang nalungkot ang binata dahil akala nito ay makakasama ulit niya si natalie sa hapunan. Sayang double date sana ang kalalabsan kung makakasama niya ang dalaga. Wala naman kamalay malay ang dalaga na balak siya nitong imbitahan sa dinner date pero dina siya nakatanggap pa nang salita mula sa binata. Tahimik na nagtrabaho ang dalawa dahil marami silang tinatapos na financial report para ipasa kay mr. baronman. Pagkatapos ng oras ng trabaho ay sabay ng lumabas ang dalawa sa opisina. Magkasabay silang naglalakad ng maalala ni natalie na tumawag pala si mr. baronman sa kanya kaya nagpaalam na ito sa binata na dadaanan muna sa matanda. Habang papasok ng opisina ni mr. baronman si natalie ay nakatingin pa rin si henry sa kanya at na pailing na lamang, naisip nito totoo kaya ang mga bulong bulungan tungkol kay natalie at mr. baronman. Kaya siguro natanggap agad ang dalaga dahil ginamit nito ang ganda nito, pero sa ugali ni natalie Malabo naman na gawin iyon ng dalaga. “mr. baronman, bakit po pala kayo napatawag sa akin kagabi.?”tanong ng dalaga sa matanda. “ahhmm.. gusto ka sana Makita ng ina mo natalie.”sabi nito sa dalaga.”hah, bakit po kamustah po si
mommy,?”nag aalalang tanong nito.”ok naman siya namiss kalang niya kaya gusto ka niya Makita.”sinabi ni natalie na hindi muna sya makakauwi sa kanila dahil marami itong trabaho at magiging busy pa siya sa paaralan dahil graduation na nila. Naintindihan naman ito ng matanda kaya dina niya kinulit pa ang dalaga.nag paalam na ang dalaga sa matanda. “pare,buti at dumating kana siya nga pala ito nga pala si Josephine.”pakilala ni roel sa kaibigan. “hello henry nice meeting you.”sabi ni jho sabay abot ng kamay kay henry at ganun din ang binata. “familiar ka sa akin, parang nagkita na tayo somewhere.?”habang titig na titig si henry kay Josephine. “pare matunaw naman si Josephine sa pagkatitig mo, heheheh.”pang aasar ni roel sa kaibigan. Pagkasabing iyon ni roel ay namula naman si Josephine dahil sa pagkatitig sa kanya. Sabagay mukhang familiar din sa kanya ang binata. “3 lang ba tayo o may inaantay pa tayong bisita?”tanong ni henry sa dalawa. “ah sorry wala pa kasi ang kaibigan ko, galing pa kasi iyon sa trabaho kaya mahuhuli lang ng konti.pasensya na ha.”hingi ng paumanhin ni jo sa magkaibigan. Nag excuse sandali ang dalaga para tawagan ang kaibigang hanggang ngayon ay wala pa sa usapan.”hoy bruha asan kana?dilat na ang mata namin sa gutom hehehehe”birong sabi ni Josephine sa kaibigan.”naku jo sorry ha malapit na ako sige mauna na kayo kumain.sorry talga friend pakisabi nalang sa kanila.”hingi ng paumanhin ni natalie sa kaibigan.”friend ang gwapo ng magkaibigan na ito grabe sana dalawa ang puso ko heheh haaayyyyy kilig to the bones talaga friend. Oh siya sige na lusaw na ang make up ko sa pag antay sa iyo. Mag reretouch muna ako at babalik na ako sa kanila.”sabi nito sa kaibigan.maya maya ay bumalik na ito sa pwesto at inihingi ng paumanhin ang pagkahuli ni natalie sa kanilang dinner date. Makalipas ang ilang minuto ay dumating din sa wakas si natalie. Nakita agad niya ang kinaroroonan ng kaibigan, nagatubili siyang tumuloy dahil nahihiya siya sa kasama ni roel baka isipin nito ay di ito sumunod sa usapan at Filipino time talaga. Hmmm so what? I don’t care kung ano man ang isipin niya nagpunta siya dahil sa kaibigan. Bulong nito sa sarili. “hey natalie sa wakas at dumating ka na rin.”sabi ni Jo at tumayo upang salubungin ang kaibigan. “siya nga pala henry siya nga pala si natalie ang sinasabi ko sa iyo na kaibigan ni Jo”pakilala ni roel kay natalie sa kaibigan nito. “ah, nice meeting you natalie.im henry dela rea,how are you?”pakilala ni henry kay natalie,hindi akalain ni henry na makakasama rin niya ang dalaga sa dinner. “ah,im natalie, kinagagalak din kitang makilala mr. henry dela rea”sabi ni natalie sa binata. Di alam ni natalie kung
matatawa ba siya dahil magkikita din pala sila ni henry.hmmm… destiny...pagkatapos magkakilanlan ng dalawa ay naupo na ito at nag order na ng pagkain para sa kanilang hapunan.maraming inorder si roel para sa kanila na tiyak naman na di nila mauubos. Masayang na kwentuhan ang mga ito habang kumakain, samantala si henry naman ay panay ang tingin kay natalie. Kay gandang pagmasdan ng dalaga habang kumakain, alam nito ang tamang ugali sa pagkain dahil pansin nito na habang ang mga kasama ay nagkukwentuhan ito ay tahimik lang sa pagkain nito. Inoobserbahan naman nito ang bawat kilos ng dalaga maging ang pagbuka ng labi nito. Ang bawat pagsubo nito at paghigop ng tubig galing sa kanyang baso. Sa gantong akto ay natyempuhan naman ni natalie ang pagkatitig sa kanya ni henrys a pagkakataong iyon ay umiwas agad ng tingin ang binata at pinagpatuloy ang pagkain nito.Napangiti naman si natalie ng palihim dahil nakita niyang namula ang binata sa pagkabisto niya dito sa pagsulyap sa kanya. Maya maya lamang ay natapos ng kumain ang tatlo ngunit di nila naubos ang kanilang inorder. Nagpaalam naman si natalie na magpupunta sandali sa restroom. Samantalang si henry ay may binulong muna sa kaibigang si roel bago magtungo sa restroom ng panlalaki. Palabas na si natalie ng restroom ng bigla nalang sya mabunggo.”ayy sorry miss di ko sinasadya.”sabi ng binata.pagtingin ni natalie sa binatang nabunggo ay. “hah! Ikaw pala sir henry sorry po di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko.”hingi ng paumanhin ni natalie kay henry. “wala iyon natalie, kasalanan ko rin kasi..”bawi ni henry sa sinabi ng dalaga habang di pa rin niya ito binibitawan sa pagkayakap.” Ahhhmm sir, excuse lang po. Di po ako makahinga.”pagsisinungaling ni natalie.dahan dahan naman niyang inilayo ang sarili sa katawan ng lalaki. Nagsinungaling siya na di makahinga pero sa halip ay gustong gusto niya ang pagkakayakap sa kanya ng binata.ang sarap ng pakiramdam na kayakap mo ang isang matipunong lalaki at langhap mo ang mabangong amoy nito.”sorry ulit natalie.”habang binitawan na nito ang dalaga.umiwas agad si natalie at nagpaalam ng babalik na ito sa kanilang lamesa. Pagkadating niya sa lamesa ay ligpit na rin ang kanilang pinagkainan at nadatnan niyang masayang nagkukwentuhan sina Jocelyn at roel. “ihahatid na namin kayo.” Sabi ni roel sa dalawa.sabay siko kay henry upang sumang ayon ito. Tatanggi pa sana si natalie ngunit bigla nalang siyang kinurot ng kaibigan.”oucchhh.”sigaw ni natalie. “hah! Whats wrong natalie?”nag alalang tanong ni henry sa dalaga, kung san nagkatinginan ng palihin sina Jocelyn at roel at napangiti sa isat isa dahil bigla na lamang
hinawakan ni henry si natalie. “ahh wala, wala may kumagat lang sa akin na insekto.”sabi ni natalie sabay pinamulatan ng mata si Josephine dahil sa pgkakakurot sa kanya nito. Si henry ang driver kaya sa likod naupo ang dalawa sina roel at Josephine. Samantala si natalie naman ay sa passenger seat naupo katabi ni henry. makalipas ng kalahating minuto ay nakarating din sila sa tirahan ng dalawa. “maraming salamat sa hapunan.” Sabi ni natalie kay roel. “oo nga grabe nag enjoy ako sana maulit ulit ito heheheh, oucchhhh …”pasalamat din ni jo at sabay sigaw din nito dahil tinapakan naman ni natalie ang paa nito. “walang anuman iyon nag enjoy din kami sa company niyong dalawa,okay ka lang ba jo.”sabi naman ni roel sa dalaga. Samantala si henry ay bumalik sa kotse at may kinuha at iniabot kay natalie bagay na ikinagulat nito. “siya nga pala natalie, ito oh!tinake out namin ni roel iyong pagkain para sa inyo ni Jo.”sabi ni henry at sabay abot ng supot kay natalie. “thanks”maikling tugon nito. Di na rin nagtagal ang magkaibigan at nag paalam na rin ito upang umalis. “ikaw natalie ha, ang sakit ng ginawa mo hah!”sumbat nito sa kaibigan. “at bakit sino ang nauna diba ikaw hehehehe!”sabi ni natalie sabay takbo papasok sa kanilang kwarto at hinabol naman siya ni Josephine. Samantala… “pare…kumustah si miss ganda sa iyo.?”tanong ni roel sa kaibigan, “sinong miss ganda?”sabi naman ni henry. “eh sino pa si natalie… ok siya diba pare bagay kayo hehehe….”pang aasar nito sa kaibigang si henry. “sira ka talaga wala ka nanaman inasar kundi ako.”sagot naman ng binata habang nakatingin sa dinadaanan. “hmmm pare himala ata kanina lang kita nakitang nag pabalot ng natirang pag kain hah.mukhang may kakaiba sa iyo hehehehe.”sabi ni roel habang kuha nito ng sigarilyo sa kaha. “si natalie ang sekretarya ko pare.”sabi ni henry sabay hablot nito sa stick ng sigarilyo kay roel. “hah talaga pare wow small world pare hehehhe! Kaya pala hah, nakasabay muna siya sa hapunan nuh, nagdate na siguro kayo kaya alam mo,pero ang titig mo sa kanya pare iba ha. May pag nanasa heheheh”pang aasar ni roel sa kaibigan. “akin na nga iyang sigarilyo.”balak pa sanang agawin ni roel ngunit tinapon na ito ni henry sa labas. “sira ka anung pag nanasa ka dyan. Teka nga bawal sa iyo ang sigarilyo kaya stop na ha okay..”utos ni henry.wala naman nagawa si roel kundi sundin si henry. Samantala sa kanilang paaralan ay tahimik na nakaupo sina natalie at Josephine habang nag aantay ng kanilang reherseal para sa graduation, “haayyy salamat at makakagraduate na rin ako sa wakas at mawawala na sa paningin ko ang mga bagay na di kanais nais dito.”sabi ni colline sa mga
kaibigan habang dumaan sa kinaroroonan nila natalie. “eh di pikit mo ang mata mo para di mo Makita”sabay halakhak naman ni Josephine. pinagbawalan naman siya ni natalie dahil sa pagsagot nito sa sinabi ni colline. Ayaw kasi ni natalie ng gulo hanggat maari, kung pwede nga lang niya maging kaibigan ang lahat ng tao ay gagawin niya. Makalipas ng ilang minuto ay nag simula na rin sa wakas ang kanilang reherseal, pinaliwanag ng kanilang guro kung saan ang tamang daan at kung paano ang gagawin nilang pagtanggap sa kanilang diploma. Sinanay din nila ang kanilang graduation theme song na ihahanda para sa araw ng kanilang pagtatapos. Masayang masaya naman si natalie dahil matatapos na rin niya ang sekondarya. Proud siya dahil 4 na taon niyang nakayanan itaguyod ang sarili sa pag aaral. Sinabi ng kanilang guro na magkakaroon din sila ng graduation ball pagkatapos ng kanilang graduation at ito ay open para sa lahat. “natalie ready naba ang susuotin mo?”sabi ni Josephine kay natalie. “hindi pa jo, baka bukas nalang ako mamili ng damit na gagamitin ko, ikaw?”tanong ni natalie sa kaibigan. “ah ako dadalhin ni mommy bukas, bali dito na sila hanggang graduation natin…ang saya ko friend.”sabi naman ni Josephine habang kitang kita ni natalie ang masayang mukha ng kaibigan. Pareho lang sila ng pakiramdam dahil napaka espesyal para sa kanila ng araw na iyon. Maya maya ay may tumawag kay natalie, “hello! Whos this?”tanong ni natalie sa kabilang linya. “Natalie si henry ito, pwede kaba mamaya.?” Sabi ni henry kay natalie. “hah! Sir andito po ako sa school ngayon eh, may papagawa po ba kayo?”saad ni natalie sa kausap.sinabi ni henry ang dahilan kay natalie at sinabi nalang ni natalie na pagkatapos ng kanilang reherseal ay pupunta nalang ito ng opisina. Pagkatapos ng kanilang pagsasanay ay nag paalam na agad si natalie sa kaibigang si jo na may gagawin sa opisina, sabay na rin silang lumabas ng paaralan ng biglang may tumawag sa kanila. Pag lingon ng dalawa ay nakita nito si henry na nag aantay sa kanila. Sinabi ni henry na ihahatid nalang muna nila si Josephine at pagkatapos ay saka na ito didiretso sa opisina. “sir ito na po iyong pinapahanap nyo.”sabay abot ni natalie ng folder kay henry, kaya naman pala siya nito pinuntahan ay para ipahanap lang sa kanya ang nawawalang folder nito. “salamat natalie, nakita mo agad. Kanina ko pa ito hinahanap eh.”sabi ni henry kay natalie.pero ang totoo ay hindi naman importante sa kanya ang folder na pinahanap kay natalie ang totoo ay gusto lang niya Makita at makasama ang dalaga sa opisina. Sa pagkakataong iyo ay sinamantala na rin ni natalie ang pagkakataon para mag paalam kay
henry na di ito makakapasok sa Friday dahil araw ito ng kanilang graduation, pumayag naman agad ang binata sa sinabi ng dalaga dahil alam nito na napahalagang araw iyon para sa mga studyante. “pare kamustah na nga pala si natalie?”tanong naman ni roel habang kumakain ng cupcake. “ok naman siya pare, nag paalam siya na graduation nila sa Friday. Dadalo kaba?”tanong ni henry sa kaibigan. “oo naman pare hehehehe syempre gusto ko rin makitang magtapos ang baby ko”ang tinutukoy nito ay si Jo na kanyang girlfriend.natawa nalang si henry sa sagot ng kaibigan. “oh siya aakyat muna ako.”paalam nito kay roel. pagkaakyat ng binata ay bigla nalang may nag doorbell sa knilang gate,pinagbuksan naman ito ng kanilang katulong.at dumiretso sa living room “hi, you must be roel right?”tanong naman ng dalaga, pagtingin ni roel sa dalaga ay na disappoint na agad ito sa suot nito na para bang nang aakit ng lalaki. Hmmm.. walang wala sa Josephine niya. “yes ako nga, sino sila?”tanong naman nito at sabay baba ng kanyang kinakain. “im looking for henry, andyan ba siya?”tanong nito at naupo sa bakanteng upuan. “ahhmm..actually kadarating ko lang eh, tawagan mo nalang sa phone niya kung asan siya.”sabi nito sa dalaga. “ah ganon ba, akala ko kasi magkasama kayo, well ok salamat sa opinion.”sabay kuha nito sa kanyang telepono at denial ang no. ni henry. “excuse lang miss ha! Aakyat na ako.antayin mo nalang siya.”paalam ni roel sa dalaga at sabay akyat nito sa hagdan patungong kwarto. “hmmm. tama bang iwan ako dito, antipatiko.”bulong ng dalaga sa sarili. “sweetheart asan ka ngayon andito ako sa bahay nyo.”sabi ng dalaga sa kausap.sinabi naman ni henry na wala siya sa kanilang bahay at nag out of town, pagkasabing iyon ng binata ay bigla nalang itong binagsakan ng telepono ng dalaga, alam na ni henry na galit na ang kausap niya sa kabilang linya. “pare bakit hindi mo binaba iyong bisita mo.?”tanong naman ni roel sa kaibigan sabay kuha nito sa kanyang telepono. “si mylene iyon, naku mangungulit lang iyon wala na kami pero habol pa rin ng habol”naaasar na sabi ni henry. “ah siya ba si mylene hehehe sayang pare sexy hah”kunwari pa ri roel sa sinabi nito habang natatawa. “mr. baronman ang ganda nito.”sabi ni natalie habang sinusukat ang damit na binigay ng matanda. “alam kong magugustuhan mo iyan si mommy mo ang pumili nyan, pinabibgay nya yan para sa graduation mo.”sabi ng matanda, sabay abot nito ng kanyang bag at may kinuha itong bagay sa loob nito. “ito natalie para din sa iyo.”abot ni mr baronman ng box na maliit kay natalie. “naku sobra sobra na poh ito mr. baronman,maraming salamat po.”buong pasasalamat ni natalie sa matanda.
“natalie, halika buti at dumating kana.” Salubong ni Josephine sa kaibigan papasok ng pinto.sinabi nito na dumating ang kanyang mga magulang at gusto siyang Makita. Dali dali naman pumasok ang dalaga at nagpunta sa kinaroroonan ng bisita at ibinaba sandali ang mga gamit upang magbigay galang sa mga ito. Natuwa naman sa kanya ang mga magulang ni Josephine dahil sa ugali nito.nag ayang lumabas ang mga ito kaya dali daling umakyat ang dalawa sa kanilang kwarto upang magbihis pang alis. Dinala ni Josephine ang magulang sa isang restaurant na gustong gustong puntahan ng magkaibigan dahil alam nito na hindi sila mapapahiya sa pagkain dito. Nag hanap na ng mauupuan ng dalawa para sa kanilang 5, sa magulang ni Josephine at sa kapatid nito.masayang nag hahapunan ang mga ito samantalang napahinto naman si natalie sa pagkain dahil sa pagtanong sa kanyang magulang. Kung saan ang mga ito at bakit di niya kasama. Sinagot naman ng tapat ni natalie ang magulang ng kaibigan, sinabi nito ang kinaroroonan ng mga magulang at ang dahilan kung bakit hindi niya ito kasama.natuwa naman sa kanya ang magulang ni Josephine dahil napakabata pa ni natalie para mag solo. Ikinompara pa nila si Josephine kay natalie, sana daw ay katulad ni natalie ang anak nito, sinabi din nito ang mga bad habits ni Josephine at panay pigil naman ng dalaga sa ina upang hindi na ito mag kwento pa, dahil puro negative ang pinag sasabi ng ina, kaya tawa nalang nga tawa ang mga ito. Bigla naman lumaki ang ulo ng dalaga ng sinabihan siyang “buti maganda ang anak ko”. Wow sabi ni Josephine buti nalang kahit huli ay may maganda ring nasabi tungkol sa kanya. March 27, Friday araw kung saan napaka halaga ng araw na ito para sa mga studyante at mga magulang. Busy ang mga ito sa pag aasikaso ng kanilang mga anak habang si natalie ay busy naman sa pag aayos sa kanyang sarili. Hindi magkanda ugaga ang mga magulang kung anong gagawin sa araw na iyon ang iba ay dinala pa sa parlor ang anak upang maging maganda ito sa araw na iyon samantala si natalie ay simpleng make up lang ang kanyang ginawa sa sarili, kinulot niya ang mahaba niyang buhok at isinuot ang kulay maroon na simpleng gown na binigay sa kanya, hapit na hapit naman sa kanya ang damit na iyon at bagay na bagay sa kanya tinernuhan naman niya iyon ng simpleng sandals upang di naman siya mag mukhang katawa tawa sinuot din niya ang necklace na binigay ng ina. Pagharap ni natalie sa salamin ay halos di niya makilala ang sarili. Hmmm simple pero napaka elegante. Maya maya lamang ay tinawag na siya ni Josephine upang mag tungo na sa venue ng kanilang graduation. Napahanga naman ang
kaibigan sa kagandahan ni natalie. “this is it friend. Congratulation.”sabi ni Josephine at ganun din si natalie sa kaibigan at nagyakap ang dalawa..sa wakas…“daddy ok ba itong suot ko?”tanong naman ng anak ni mr. baronman sa kanya.”yah of course ang ganda ganda mo anak.im proud of you.”sabi nito sa anak at sabay yakap. Tinawag naman sila ng asawa ni mr. baronman at sinabing mahuhuli na sila sa graduation, kaya dali daling umalis ang mga ito. Sakto naman ang dating ng mag anak ni mr. baronman sa venue ng graduation dahil marami ng tao at ilang minuto pa lamang ay mag uumpisa na ang seremonya. “natalie darating ba ang parents mo?”pabulong na tanong ni Josephine sa kaibigan.”hindi ko alam jo, siguro.”sagot naman ng dalaga.”oh mr.baronman andito ka pala,kumusta po?”sabi naman ni Josephine sa matanda ng matanaw niya itong papalapit sa kinaroroonan nila at may dalang bulaklak para sa dalawa. Isinabit naman ng matanda ang dala sa dalawang magandang dalaga at binati ito. Di na rin nakapag usap sina natalie at mr. baronman dahil nag bigay na ng go signal ang mc na mag uumpisa na ang seremonya kaya dali daling bumalik si mr. baronman sa kanyang pwesto. Isa isa nang tinawag ang mga pangalan ng studyante at pati magulang nito upang maglakad sa red carpet at ihatid ang anak sa upuan nito. Nasa kalahati na ng tawagin na ang pangalan ni Josephine kay umayos na ito at kumapit na sa braso ng kanyang mga magulang samantala ang kanyang kapatid naman ay panay kuha ng litrato para sa kanila. Malapit na si Josephine sa upuan nito ng bulungan niya ang magulang na gabayan din sa pag lalakad si natalie mamaya. Tumawag ulit ng ibang pangalan ang mc at sumunod naman si colline. Katulad ng ibang studyante ay kasama nito ang kanyang magulang sa pag lalakad, nagulat naman si natalie na anak pala ni mr. baronman si colline at ganun din si Josephine na halos nanlaki ang mata nito. “bakit kung makatitig ka malulusaw ako, nagagandahan ka sa akin nuh. Ganda ba ng gown ko binili pa iyan sa paris.”sabi naman ni colline. “hindi nuh, bat naman ako magagandahan sa isang bruha.”sagot ni Josephine sabay talikod kay colline.hindi naman pinansin ng dalaga ang sinabi ni Josephine dahil masisira lang ang make up niya kapag nagalit siya sa halip ay ngumiti nalang ito.maya maya ay si natalie na ang tinawag, kinabahan naman si natalie dahil mag isa lang siyang mag lalakad sa kahabaan ng red carpet. Nag umpisa ng ihakbang ni natalie ang mga paa niya ng biglang may humawak sa kanyang braso. “sorry late ako…”laking gulat naman ni natalie sa pag karinig sa boses na pamilyar sa kanya ang boses ng mahal niya. Di nga lang niya maamin sa sarili. “ ikaw, si…sir henry anong ginawa mo
dito.”tanong ni natalie ngunit di na siya sinagot nito sa halip ay sinabi nitong maglalakad na sila. Tuwang tuwa naman si natalie dahil kahawak kamay niya ang isang lalaking mahalaga sa kanya at kasama pa niya sa mahalagang araw na iyo. Feel na feel naman ng dalaga ang paglalakad para ba siyang ikakasal, pakiramdam niya ay nakalutang siya sa ulap at may mga anghel na nag aawitan para sa kanya. Nang makarating na sa kanyang upuan ay nagpasalamat ang dalaga sa paghatid sa kanya ni henry , samantala sa kabila ng kasiyahan iyon ni natalie at may mga matang nakatitig sa kanya at nag ngingitngit na para bang gusto siya nitong sunggaban. Matapos ang pag upo ng mga studyante sa kani kanilang upuan ay nagsi tayo ang mga ito upang awitin ang pambansang awit at magpasalamat sa araw na iyon. Pagkatapos ay tinawag na ang mga studyante upang kunin ang kanilang mga diploma. Nang si natalie na ang tawagin ay dahan dahan itong tumayo at luminga sa likuran na para bang may inaantay na tao, sa pagkakataong iyong ay tinawag ulit siya ng mc na umakyat na sa stage at tanggapin ang dalawa.nag lakad ng dahan dahan ang dalaga hanggat marating ang kinaroroonan ng mga guro at ibibigay na sa kanya ang katibayan ng kanyang pagtatapos ng sekondarya. Tinanggap ni natalie ang diploma at pumunta sa harapan ng stage upang yumoko pagkatpos ay umalis na siya at pababa na ng hagdan. “congratulation anak….”sabi ng babae at sinalubong ang anak pababa ng hagdan. Nagulat naman si natalie at hindi nakakilos kaya lumapit ang kanyang mommy upang yakapin siya.sa pag kakataong iyon ay napa iyak ang dalaga dahil nayakap ulit niya ang magulang na kinasabikan ng mahabang panahon, buong akala nito ay hindi na ito dadalo sa kanyang graduation. “thanks mom,”niyakap na rin ni natalie ang ina at pagkatapos ay inihatid na siya nito sa kanyang upuan. Sobrang saya ni natalie dahil sa mga bagay na hindi niya inaasahang mangyari sa araw na iyon. Muli ay tinawag si natalie upang mag bigay ng kanyang salita bilang valedictorian sa buong klaseng iyon, umakyat ulit ang dalaga at nagsalita para sa mga kapwa studyante at mga magulang na umatend sa araw na iyon, nag pasalamat din si natalie sa mga guro na nagging pangalawang magulang niya sa paaralang iyon, sa mga studyante na nakasama niya, sa mga kaibigan niya, sa nag iisa niyang bestfriend, at sa magulang niya na dumating sa araw na iyon, tinawag niya ang kanyang ina upang ipakilala sa lahat. Dahil alam nito na simula fresh men ay hindi niya pinakilala ang magulang kaya nagkaron ngusap usapan tungkol sa kanya. Nagulat naman ang iba dahil kilala pala nila ang ina ng dalaga lalo na ang ina ni colline. Natapos din ang kanyang speech kaya
bumaba na ulit ang dalaga at muli ay nag pasalamat. Nagpalakpakan naman ang lahat para kay natalie. “hello ma’am charlotte…”bati naman ng ginang sa ina ni natalie. “its you mrs. Baronman how are you?”sabi ni mrs charlotte sa asawa ni mr.baronman.”good to see you again ma’am,hindi ko akalain na ang anak mo pala at anak kong si colline ay magkaklase.”sabi nito sabay hila sa anak nito at pinakilala naman ni mrs. Baronman ang anak kay mrs charlotte. “oo nga eh, ngayon lang kasi ako nag punta dito, kamustah ka iha?”sabi ni mrs. Charlotte kay colline. “ok naman poh mrs. Charlotte, kinagagalak ko po kayong makilala”sabi ni colline sa ginang.titig na titig naman si colline kay mrs. Charlotte, napakagada nito, di magkakailang mag ina sila ni natalie dahil mag kahawig ito. Maya maya lamang ay dumating na si mr. baronman at kasama si natalie. “daddy kilala mo siya.?”tanong naman kay mr. baronman ng anak. “oo, anak siya ang anak ni mrs. Charlotte ang may ari ng hotel na pinagtatrabahuan ko at ng mommy mo.”mahabang paliwanag ni mr. baronman.”ah kaya naman pala sabi ko familiar sa akin yang batang iyan, nagkita na kasi kami before bago sila pumasok ng kaibigan nya sa school.hello natalie.”bati naman ng ginang sa dalaga. Nagbigay galang din naman ang dalaga sa asawa ni mr. baronman. Samantala si colline naman ay tahimik lang na nakikinig sa isang tabi,hindi niya sukat akalain na ang lagi niyang inaasar na si natalie ay anak pala ng amo ng kanyang mga magulang. Sa pagkakataong iyon ay hindi tuloy niya alam kung paano titingnan si natalie ng harapan, napahiya kasi siya sa kanyang sarili masyado siyang mapagmataas nuon, hindi niya alam na may isang taong simple lang pero mas nakakangat pa pala sa kanya. Naisip niya na dapat hangaan si natalie. “colline”tawag ni natalie sa kaklase “congratulation…”sabay abot ni natalie ng kamay kay colline.”congratulation din sa iyo natalie, sorry ha..”hingi ng paumanhin ng dalaga sa kaklase. “wala iyon colline naintidihan kita..and wag na natin pag usapan yun pwede ba colline.. friends”sabay lahad ni natalie ng kanyang palad kay colline, iniabot din ni colline ang kanyang palad sa dalaga at nag shake hands sila,iyon na ang simula ng kanilang pag kakaibigan. Natuwa naman ang mga magulang nila sa dalawa, si mrs. Baronman, si mr.baronman at si mrs charlotte na ina ni natalie. “jo, aalis naba kayo ng parents mo?”tanong ni natalie sa kaibigan. “oo magbabakasyon kasi kami nila mommy gift nila sa akin ikaw uuwi ka na ba sa inyo.?”tanong ni Josephine sa kaibigan. “oo sasama muna ako kay mommy but babalik din ako sa hotel para magtrabaho.”sabi ni natalie
habang iniabot ang munting regalo nito para sa kaibigan. Natuwa naman si Josephine dahil talagang may regalo pa ang dalaga para sa kanya. Walang nabiling regalo si Josephine kaya hinubad nalang nito ang bracelet na binili pa niya sa Thailand para ibigay kay natalie.natuwa naman si natalie dahil nuon pa niya napapansin ang magandang bracelet na iyon ni Josephine. Pinakilala muna ni natalie ang magulang sa kaibigan pati na rin sa mga magulang nito bago umalis ang mga ito. Samantala hinahanap naman ni natalie si henry ngunit di niya ito Makita. Tinanong niya si roel pero di rin nito alam kung san nag punta ang kaibigan. Nag paalam sandali si natalie para mag punta sa comfort room, pagkalabas ni natalie ng comfort room ay nakita niya si henry na hinahalikan ng isang babae, oh si mylene ang kahalikan ni henry. bigla tuloy napahinto si natalie dahil sa nakita, at napatingin sa dalawa, tumingin naman sa kanya si henry at mag sasalita pa sana ngunit hinila siya ni mylene at hinalikan ulit.kaya walang nagawa ang dalaga kundi tumakbo palayo sa dalawa. Akala ni natalie napaka ganda na ng gabing iyon para sa kanya ngunit may di inaasahang bagay pa siyang natyempuhan. Haaayyy bakit parang nasaktan siya, parang pinipiga ang puso nya at bigla nalang siyang napa iyak sa sobrang sakit.. kinalma muna ni natalie ang sarili bago bumalik sa kinaroroonan ng magulang. Habang nasa sasakyan papuntang hotel ay tunog ng tunog ang telepono ni natalie, “anak, may tumatawag sa iyo, bakit di mo kausapin?”nag aalalang tanong ng ina kay natalie. “don’t worry mom di naman importante ang tawag na iyan.”sabi ni natalie sabay off nito sa kanyang telepono. Nakita naman ng ina ni natalie ang kalungkutan sa mga mata ng anak kaya hindi na nito binusisi pa kung sino ang tumatawag alam nito na may malalim na dahilan ang dalaga sa hindi pagsagot sa kanyang telepono. “mylene pwede ba tigilan mo na ako tapos na tayo diba.”naaasar na sabi ni henry habang mabilis na naglalakad papunta sa kanyang sasakyan.samantala panay naman ang habol sa kanya ni mylene. “sweetheart naman, bakit hindi mo na ba ako mahal.”habol nito sa lalaki sabay hila nito sa braso ni henry. huminto naman si henry at hinarap ang dalaga. “listen to me mylene, tapos na tayo at ayoko ko ng sumusunod ka sa akin.”sabi nito habang inalis ang kamay ni mylene na nakakapit sa kanyang braso.”bakit henry ha, may iba ka na bang mahal,at sino ang sekretarya mo ha. Ipagpapalit mo ako doon, isang hamak na sekretarya lang,at wow hah, highschool palang pala siya…bata na pala ang gusto mo ngayon”halos mangiyak ngiyak si mylene sa pagkakasabing iyon,at pinaghahampas si
henry sa dibdib.”ano ba mylene, walang kinalaman si natalie sa pag break natin,sarili kong desisyon ito at ayoko ng lokohin ang sarili ko na mahal pa kita, kaya please I am begging you leave me alone.”pagmamakaawa naman ng binata sa dalaga. “hindi pa tayo tapos henry, hindi pa,humanda ka humanda ka, kayo ng babae mo……”sigaw ni mylene habang umiiyak at tumatakbo papalayo kay henry. “pare anong ngyari dun sa ex mo at parang nababaliw nag sisigaw.”tanong naman ni roel na bagong dating at nakasalubong si mylene at tiningnan lang siya nito ng masama. Kinuwneto naman ni henry ang pinag usapan nila ni mylene at kung bakit ito umiyak. Pinag sabihan naman siya ni roel na mag iingat sa babaeng iyon at baka totohanin ang banta sa kanya.para kay henry di siya natatakot sa bantang iyon ang kinakatakot niya ay baka gawan ng masama si natalie. Samantala hindi muna pinabalik ni charlotte ang anak sa dati nitong tirahan. Magtatapos muna ng kolehiyo ang dalaga bago I takeover sa kanilang negosyo.pumayag naman si natalie sa nais ng ina na sa ibang bansa mag aral. Inisip niya Na ito siguro ang paraan para makalimutan niya si henry. di naman nawalan ng kontak ang magkaibigang natalie at Josephine, masayang binalita ni Josephine ang bakasyon nito sa ibang bansa. Bilang regalo sa kanya ng kanyang mga magulang ay kinuhanan siya nito ng package tour sa macao, sinabi din ni Josephine na sumunod sa kanya si roel papuntang macao at masaya naman si natalie para sa kaibigan. Makalipas ang ilang taon sa kolehiyo ay magtatapos na rin ang dalaga sa kursong kinuha. At siya na ngaun ang papalit sa pamamahala sa kanilang negosyo,ngayon ay handa na ang dalaga hawakan ang kanilang negosyo at handa na rin syang harapin ang kanyang nararamdaman. Sa kanyang pagbabalik ay marami syang tanong sa kanyang sarili kung ano ba talaga siya kay henry. Kahit anong tanggi ng dalaga sa sarili na wala siyang nararamdaman para sa binata ay nagkakasala lamang siya sa pagsasabi ng di totoo. Hanggang kelan niya kayang itago ang damdaming iyon, may pag asa pa ba sa kanilang dalawa? “hi, mr. baronman its good to see you again.” Sabi ng dalaga sa matanda.nabigla naman ang matanda sa pagsulpot ng isang magandang dalaga sa kanyang opisina, hindi niya inaasahan na magiging bisita niya ito sa araw na iyon. “ikaw pala, halika maupo ka rito, kamusta kana?akala ko ay hindi na kita makikita pa eh.”sabi ng matanda sa dalaga sabay alok nito ng bakanteng upuan sa dalaga. Samantala tahimik lamang na nagmamasid ang dalaga sa buong opisina, matagal na rin siyang nawala sa lugar na iyon at
alam niyang marami na rin ang nagbago. Samantala kita naman sa mukha ni mr.baronman ang kasiyahan dahil muling nakita ang magandang dalaga. Hindi siya makapaniwala na kausap niya ito ngayon sa kanyang harapan, naiisip ng matanda na lalong gumanda ang dalaga sa ayos nito ngayon at lalong naging smart ang dating nito, di lang ngbago ang dalaga sa kanyang ugali, napakalambing at napakabait na bata pa rin. Makalipas ng ilang minutong pagkwentuhan ay nagpaalam muli ang dalaga na pupunta muna sandali sa opisina ng kanyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakita. Bago magpunta ang dalaga ay dumaan muna ito sa restroom upang tingnan muna ang sarili kung magiging ok ba sya sa paningin nito.hmmmm bakit ba bigla siya naging concious sa kanyang sarili. Habang nagsasalamin ang dalaga ay may narinig siyang umiiyak sa isang tabi. “hi,” maikling sabi ng dalaga sa babaeng nakaupo sa isang tabi habang hawak hawak nito ang isang kapirasong papel.tumigil naman sa paghikbi ang babae at pinunasan nito ang kanyang luha sa pamamagitan ng kanyang kamay,inilapag nito ang kusot na papel sa tabi nito.samantala iniabot naman ng magandang dalaga ang panyong hawak nito at binigay sa babae.nagpasalamat naman ang babae sa magandang dalaga. Magsasalita pa sana ito ng biglang may pumasok at inaya lumabas ang babaeng kanina ay umiiyak. “hoy, cathy, kanina ka pa hinahanap ng boss mo, mag ayos na daw at darating ngayon ang anak ng may ari ng hotel na ito.” Sabi ng babaeng naka uniporme na pang receptionist na sa palagay nito ay kaibigan ng babae. Nagmamadaling nagpaalam ang babae sa magandang dalaga at umalis na ito,nagpasalamat din ito sa panyong pinahiram nito sa kanya. Maikling tango lang ang sagot nito sa dalawang magkaibigan na lumabas na ng restroom. Maya maya lamang ay lumabas na rin ang dalaga upang magtuloy na sa opisina ng dating kaibigan at the same time dating boss nito. Balak nito sorpresahin ang kanyang kaibigan. Dahan dahan binuksan nito ang pinto, At biglang bumungad sa kanya ang isang lalaki at babae na mag kayakap. Sa halip na sya ang manunurpresa siya pa ang nasorpresa sa nakita ng kanyang mga mata. Humingi nang paumanhin ang dalaga sa dalawa. Pagkaharap ng babae ay nakilala agad ito ng dalaga ito ay ang kanyang kaibigan na si colline at ang kayakap ay si henry. Dahan dahan naman humiwalay si colline sa pagkakayakap ni henry at pinunasan nito ang namuong luha sa kanyang mata. Humingi rin ng pasensya si colline sa dalaga dahil sa nakita nito,ngunit sinabi ng dalaga na wala silang dapat ihingi ng pasensya.pagkasabing iyon ay nagmadali ng lumabas ng opisina ang magandang dalaga at dahan dahan
nitong sinara ang pinto. Samantala naiwan namang nakatulala si henry, hindi niya akalain na maabutan siyang ganun ng babaing pinakamamahal niya. Muli ay nagpasalamat si colline kay henry at nagpaalam na itong lumabas ng opisina. “ladies and gentlemen salamat sa pagdalo sa munting kasiyahang ito gusto ko ipakilala sa inyo ang anak ng may ari ng hotel na ito, walang iba kundi ang napakagandang si natalie.”pakilala ni mr. baronman sa lahat ng tao na dumalo ng kasiyahang iyon.sabay turo nito kay natalie na nasa tabi ni colline. Umakyat naman ang dalaga pag kabanggit ng kanyang pangalan at nagbigay galang sa mga tao roon nagpasalamat din ito sa mainit na pag tanggap sa kanya. Inannounce rin ni natalie na simula ngayon ay siya na ang mamamahala sa hotel ng kanyang mga magulang,doon ay magagamit na niya ang kanyang pinag aralan. Pagkatpos mag speech sa harapan ay nagpasalamat muli ang dalaga at sinabing mag enjoy lang sa gabing iyon.bumaba na ang dalaga mula sa stage at nagpalakpakan ang mga tao. Nagkaron naman ng bulong bulungan kung pano hahawakan ni natalie ang nasabing hotel, anu ano kaya ang gagawin nitong pag babago. “cathy di ba siya iyong kausap mo kanina sa restroom?” sabi naman ng kaibigan nito at sabay turo kay natalie na nakatayo lamang sa isang tabi habang nagmamasid masid na para bang may hinahanap ang kanyang mga mata na wala sa mga panauhin sa gabing iyon. “oo nga siya nga iyon, neri hindi ko akalain na kausap ko na pala kanina pa ang bagong magiging amo natin hehe, at inalo pa niya ako kanina habang umiiyak ako, grabe nakakahiya neri.”parang gusto nitong lumubog sa kinakatayuan sa sobrang hiya kay natalie. Ngumiti naman si natalie dahil napatingin siya sa kinaroroonan nila cathy na nakita niyang nakatingin sa kanya. “mr. baronman ikaw pala, salamat po sa pagtanggap sakin dito.” Sabi ng dalaga habang nakangiti sa matanda. “naku natalie alam mo ba na sobrang galak ko dahil ngayon ay andito ka na muli at ikaw na ang hahawak ng negosyong ito, sa ngayon pwede na ako mag retiro hehhe..” natatawag sabi ni mr. baronman kay natalie. “maraming salamat po sa inyo mr. baronman nung simula palang ay kayo na ang tumayo bilang pangalawa kong magulang,ginabayan nyo ako ng ako’y mag isa sa lugar na ito. Napaka swerte namin at nagtrabaho kayo sa aming pamilya.” Sabi ni natalie sabay hawak nito sa mga palad ni mr. baronman. Namula naman ang matanda sa ginawa ng dalaga at biglang nahiya at tumingin sa kanyang paligid. Naalala kasi bigla nito na pinagkamalan silang may relasyon ni natalie nung bata pa ito. Hindi akalain ng iba na anak ito ng
may ari ng hotel. Dahil na rin sa naisin ni natalie na huwag sabihin sa iba kaya itinago nalang nila ito bilang sekreto sa karamihan maging sa anak nitong si colline ay walang alam sa bagay na iyon. “naku ikaw talagang bata ka hehehe, masaya ako dahil nakilala ko ang mga magulang mo at isa pa napaka swerte nila dahil nagkaron sila ng anak na tulad mo. Napakabait at napakaganda.”sabi ng matanda kay natalie. “Good morning ma’am.” Bati agad kay natalie pagpasok palang nito ng pinto, kita sa mga taga roon ang kasiyahan sa pagdating ni natalie,ang iba ay halos hindi alam ang gagawin dahil naiilang pa sa dalaga. Binabati rin nmn ni natalie ang bawat empleyadong kanyang nakakasalubong sa lobby habang naglalakad papunta sa elevator. Pagkarating sa elevator ay may hindi siyang inaasahang makasabay walang iba kundi si henry. Napahinto ang dalaga sa kinatatayuan at nakatingin lamang sa binata. Naramdaman naman ng binata na may mga matang nakatingin sa kanya kaya nilingon nya ito at nakita nya nga si natalie na nakatayo sa kanyang likuran. Sa pag kagulat ay hindi na nakapag salita pa ang 2, maya maya lamang ay bigla ng nagbukas ang pinto ng elevator at hindi pa rin tumitinag ang dalaga sa pagkakatayo kaya nauna nang pumasok si henry, hindi alam ni natalie kung anu ang gagawin, bakit para nalang siyang nawala sa sarili.kaya nasabi na lang niya sa kanyang sarili na bakit nga ba siya papaapekto. Lumakad na si natalie patungo sa loob ng elevator at sinara na ito upang magtungo sa second floor.walang ka imik imik ang dalawa sa kinatatayuan nito at para bang hindi sila magkakilala, bakit ba hindi magawang magsalita ni natalie, gusto man nyang magsalita at kausapin ang lalaki ay para bang may nakabara sa kanyang lalamunan.napapikit nalang ang dalaga dahil langhap nito ang amoy ng binata. Namiss nya ang amoy na iyon, napakabango ni henry para sa kanya, inisip nya na sana kayakap nya sana ang binata, sa pag kakataong iyon ay may naalala si natalie kya bigla nitong inalo ang kanyang sarili para siyang naloloka.kaya umayos sya sa pagkakatayo at taas noo siya,ni hindi na niyang ginawang tingnan pa ang lalaki, naisip nya mag focus nalang siya sa kanyang trabaho. Samantala tahimik lamang si henry sa kanyang tabi at simpleng sumusulyap sa kagandahan ng dalaga. Bakit hindi siya kinakausap nito. Magsasalita na sana si henry ng biglang nagbukas ang pinto at dali daling lumabas si natalie upang magtungo sa kanyang opisina. Pagkarating niya sa kanyang opisina ay halos nabunutan ng tinik si natalie at nakahinga ng maluwag dahil wala na sa kanyang paningin ang binata. Anu bang ng yayari sa kanya akala niya ay handa na siya. Tama handa naman talaga siyang tanggapin ang binata ngunit
nagbago ang kanyang desisyon sa kanyang nakita. May bago ng mahal si henry walang iba kundi ang kaibigan niyang si colline, ayaw niyang sisihin si colline dahil karapatan din nitong sumaya sa feeling ni henry. Kasalanan din naman niya ang lahat, laging tumatawag si henry sa kanya nung siya ay nasa ibang bansa at laging nagpapadala ng mga flowers at sweet messages para sa kanya ngunit hindi niya ginawang mag responds ni isa man sa mga ito, nagsawa nasiguro ang binata sa pag aantay sa kanya kay niligawan nalang nito si colline, nasa malalim na pag iisip ang dalaga ng bigla nalang mag ring ang kanyang telepono. “yes hello.”sagot agad ni natalie. “ma’am may gusto pong kumausap sa inyo.”sabi ng sa kabilang linya. “sino siya?”maikling tugon nito. “si sir henry po kung maari lang daw po sana, paptuluyin ko po ba”sa pagkarinig ng pangalang henry at natigilan nanaman ang dalaga bakit gusto siya nitong makausap, mamaya pa naman ang meeting nila gulong gulo nanaman ang dalaga. “hello ma’am “ sabi ulit ng nasa kabilang linya. ‘yah im still here sige papasukin mo, salamat sayo.”at binaba agad ni natalie ang phone at inayos ang kanyang sarili. Maya maya lamang ay may kumatok na sa kanyang pintuan. “please come in” maikling sagot nito. At pumasok na ang ang nasabing panauhin ni natalie sa umagang iyon. Dahan dahan namang naglakad si henry sa kinaroroonan ni natalie na kita niya na maraming nerereviewng mga papers. “have a seat” alok ni natalie sa binata ngunit hindi tumitinag ang binata sa pagkakatayo nito. Nakatitig lamang ito sa magandang dalaga,parang naasiwa naman si natalie sa pagkakatitig ni henry at pakiramadam nito ay nag iinit ang knyang pisngi. Sa pagkakataong iyon ay binitawan ni natalie ang hawak na mga papeles at hinarap nito ang binata. Kitang kita ni natalie ang kalungkutan sa mga mata ni henry,na para bang may gustong sabihin sa kanya ang binata ngunit di nito magawang magsalita sa halip ay nakatingin lang ito sa kanya. Makalipas ng ilang sigundong katahimikan ay binasak ito ni natalie at sya na ang nag open ng topic upang may mapag usapan sila. Binanggit ng dalaga ang bawat detalye ukol sa kanilang opisina at hiningi nito ang opinyon ng binata ngunit hindi pa rin ito nagsasalita at hindi pa rin tumitinag sa pagkakatayo nito. “ano ba mr. henry, ganyan ka na lamang ba, nakatayo dyan at nakatingin lang sa akin na wala ka namang sasabihin, hinihingi ko ang opinyon mo, magsalita ka naman please.!”mahabang sabi ni natalie na naiinis na sa binata. Naramdaman nang binata na naiinis na si natalie kaya nagsalita na rin ito sa wakas, ang balak lang naman nito ay kamustahin ang dalaga dahil hindi nito nakausap simula ng ito ay dumating.
“pare bakit napatawag ka?”sabi ni roel sa kaibigan. “Parang ang laki ng problema mo pare ano babae na naman ba hahahaha” pang aasar nito sa kaibigan. Kahit magkalayo ay nagtatawagan pa rin ito. Si roel lang kasi ang tangi nyang mapagkakatiwalan pgdating sa mga sekreto. At isa pa ay kakilala rin nito si natalie dahil ang asawa nito at si natalie ay magkaibigan rin. Kinuwento ni henry ang buong pang yayari kay roel at wala rin nasabi ang binata kundi natememe rin,hindi nito akalain na magkakaganun ang kaibigan pagdating sa babae ang pagkakakilala nito ay ito ang nilalapitan ng mga babae at halos mag wala pa ang mga babae para lamang mapansin ito ni henry ngunit sa pagkakataong iyon ay nabaligtad ata, kung baga nakahanap na ng katapat ang binata, siya ngayon ang napipilipit ang dila kapag kaharap ang babaeng gusto. Kaya natawa na lamang si roel sa kaibigang si henry. Bagay na ikinainis rin ng binata. “ano kaba tinawanan mo lang ako kaya nga ako tumawag sa iyo eh, para may makausap.”pagalit na sabi ni henry.”pare easy ka lang anu ka ba ang init agad ng ulo mo”sagot agad ni roel sa kaibigan na hindi pa rin mapigilan ang pagtawa. “kasi naman pare hindi ko akalain na magkakaganyan ngdahil lamang sa isang babae, sabagay kung si natalie naman ang babaeng iyon eh magpapakalasing talaga ako, ha ha ha”sabi ni roel habang nagsasalin ng alak sa kanyang kopita. Samantala si henry naman ay natulala nalang, bakit nga ba nagkakaganon siya. Anung gagawin nya para mapansin ng kanyang mahal, ngunit ang kanyang mahal ay umiiwas sa kanya. Ahhhhhh! Gulong gulo ang utak ni henry at hindi nito alam ang gagawin. Samantala sa opisina ni natalie ay laking sorpresa nito dahil may natanggap na bulaklak sa kanyang lamesa. Napakaganda ng bulaklak na iyon kanino iyon galing at anu ang intensyon ng nagpadala nito. Dali daling tiningnan ni natalie ang maliit na sobre sa tabi ng mgabulaklak habang inamoy nito ang bango ng mga iyon. Nakasulat sa maliit na card ay..meet me at cafeteria around 8in the evening, ur admirer’ Halos maloka naman si natalie dahil sa nakasulat na iyon. Hmmm sinu iyon.sino ang misteryosong lalaki n nagpadala ng sulat at mga bulaklak na iyon. Dapat ba siyang makipag kita sa misteryosong iyon or dapat ba nyang dedmahin na lamang, ngunit hindi sya matatahimik hanggat di nya nalalaman kung sino man iyon. Nasa malalim na pag iisip si natalie ng bigla nalang nag ring ang kanyang
telepono. “yes hello.” Sabi ni natalie na biglang natauhan. “natalie its me mr. baronman,” sabi ng sa kabilang linya. “im sorry mr. baronman, akala ko kung sino na,anu po ba ang atin?”hingi ng paumanhin ni natalie sa matanda. “bakit natalie may inaasahan ka bang tawag? Okay ka lang ba natalie parang streess ka,”pag aalala ng matanda. “ yah im alright don’t worry about me mr. baronman ill be fine soon.” Saad ng dalaga. Sinabi na rin ng matanda ang dahilan ng kanyang pagtawag ke natalie, ininbitahan nito ang dalaga sa munting salo salo sa kanilang tahanan dahil kaarawan ng isa sa mahal ni mr. baronman. Inisip naman ni natalie kung sino ang may kaarawan, ang aswa kaya nito or ang anak nitong si coline. Anung gagawin nya mamaya din ang usapan nila ng misteryosong lalake na nagpadala ng bulaklak. Hindi bale hahabol nalang siya sa kasiyahang iyong pagkatapos makipag kita sa lalaking iyon. Habang naglalakad sa lobby ay patuloy pa rin ang pag iisip ni Natalie kung makikipagkita nga ba sya sa taong nagbigay ng mga bulaklak, baka masamang tao iyon at may masamang balak sa kanya, or baka naman dati nyang kaibigan na gusto lamang makipgkita sa kanya.ahhhh bakit ba di mawaglit sa kanyang isip ang taong iyon. Anu ba talaga ang desisyon nya makikipagkita nga ba siya or pupunta sa kasiyahan ni mr. baronman. Samantala ay nakarating na ang dalaga sa kanyang cabin at nagpahinga sandali pagkatapos ay inihanda na ang kanyang susuutin sa kasiyahang iyon, bahala na kung anu ang magigigng desisyon nya pagsapit ng alas otso ng gabi. Samantala sa bahay naman ng Baronman ay marami ng bisita ang dumating lahat ay mga kaibigan ng pamilyang baronman ang iba naman ay kamag anak ng nasabing pamilya. “sir may naghahanap po sa inyo sa labas” sabi ng katulong nila mr.baronman. “okay salamat katty.” Sabi ng matanda at nagtuloy na ito sa labas upang harapin kung sino man ang nasabing bisita.laking sorpresa naman ni mr. baronman sa nakita, isang napakagandang dalaga sa kanyang harapan at nakangiti sa kanya. “hi mr. baronman thanks for inviting me here.”sabi ng napakagandang dalaga.”halika tuloy ka grabe iha, napakasaya ko at ngayon ay nandito ka buong akala ko ay iignorin mo ang aking imbitasyon sa kassiyahang ito. Maraming salamat, halika sa loob at makilala mo ang ibang bisita.”mahabang paliwanag ng matanda sa dalaga at inakay nito papasok sa bahay ng mga baronman. Isa isang pinakilala ng matanda ang napakagandang dalaga sa kanyang mga bisita , buong paghangang nakatingin ang mga ito sa dalaga. Naupo naman ang dalaga
malapit sa terrace upang langhap niya ang hangin mula sa labas, masiya ang dalaga dahil nakadalo sa kasiyang iyon ngunit ramdam niya na may kulang sa kanyang puso, sana may kasama rin siyang at nakakausap tulad ng nasa paligid niya na puro couple siya lamang ang naiibang dumating na nag iisa. Sana kasama niya ang mahal niya at kasama siya sa pag inom ng tequila kayakap niya habang nagsasayaw sa saliw ng musika.pero heto sya nakaupo sa isang tabi na parang may hinahanap. Bakit wala si henry hindi ba ito inimbitahan ni mr. baronman pero imposible, asan rin si coline bakit wala rin ito, siguro ay magkasama ito sa bigla bumalik sa kanyang isip na may relasyon nga pala ang dalawa. “hi miss pwede ka bang maisayaw” sabi ng lalake na lumapit sa kinaroroonan ni Natalie. “hah! Ah eh, okay sure”atubili pa sana si Natalie sa nais ng binatang kaharap ngunit naisip niya wala naman siyang kasama kaya pinagbigyan na lamang niya ang binata. Inalalayan naman ng binata ang dalaga sa pagtayo nito at hinawakan sa braso upang dalhin sa bulwagan kung saan marami na rin ang nasasayawan. Habang nagsasayaw ang dalawa ay napatingin naman si Natalie sa isang gawi malapit sa terasa at nakita niya doon ang isang lalake na biglang nagpakabog sa kanyang puso, nkatingin ito sa kanila at parang ang lalim ng iniisip, bigla naman nahiya si Natalie kaya iniwas nito ang paningin sa lalakeng iyon ngunit pagtingin niya ulit ay wala na ito, namamalikmata lamang ba siya or totoo ang kanyang nakita. Hindi mawaglit sa kanyang isip ang lalakeng iyon walang iba kundi si henry. Pagkatapos ng tugtog ay nagpaalam na si Natalie sa lalake na babalik na sa kanyang upuan magalang naman na pinagbigyan ng lalake ang hiling ng dalaga at nagpasalamat ito sa pag anyaya sa kanya upang isayaw, ngumiti lang ang dalaga at sabay inom nito ng kanyang tequila. Kinbukasan ay balik na naman sa normal ng lahat. trabaho na naman matapos ng kasiyahang naganap kagabi lamang sa bahay baronman.. pagpasok ni natalie sa kanyang opisina ay laking sorpresa nanaman niya nga makita na naman ang mga bulaklak sa kaniyang lamesa, sino ba talaga ang misteryosong lalaking nag padala ng bulaklak sa kaniya. hinagilap kaagad ng dalaga ang maliit na card upang alamin ang nilalamn niyon. "napakaganda mo talaga natalie, di ka mawaglit sa aking isipan. mr. X" un lamang ang laman ng sobreng iyon. nasa malalim na pag iisip si natalie ng biglang dumating si henry. laking gulat naman ng dalaga dahil hindi nito inasahan na bibistahin sya nito sa kanyang opisina. "yes, mr. henry what can i do for you?"sabay lapag ni natalie ng nasabing bulaklak at card..samantala si henry
naman ay medyo nadismaya sa kanyang nakita may bagong manliligaw na pala si natalie,naisip nito na wala na talaga siyang pag asa sa babaeng pinakamamahal, ni hindi pa sila nakakapag usap ng maayos simula ng dumating ang dalaga buhat sa ibang bansa. "ehem.. kanino galing sa manliligaw mo ba?" sabay tanong ni henry sa dalaga. nagulat naman si natalie sa tanong ng lalake, naisip ni natalie na hindi kaya si henry ang nagbigay ng mga bulaklak na iyon. "ah..ito ba ahmmm.. oo tama ka sa manliligaw ko nga, nag aaya lumabas." pag sisinungaling ng dalaga dahil gusto niyang hulihin kong may reaksyon ba sa lalake. " wow!, swerte naman ng manliligaw mo hehe! well gudluck sa inyo.sya nga pala napadaan lang ako upang imbitahan ka sana kumain mamaya kaso mukhang may nauna na sa akin mag imbita, kung makakarating ka may konting salo salo akong inihanda ito nga pala," sabay abot ni henry ng munting imbitasyon sa dalaga. at pagkatapos ay umalis na rin ang lalake. samantala naiwan naman na nakatingin lamang ang dalaga sa munting papel na binigay ng lalake. anu bang ngyayari sa kanya, natutulala siya sa tuwing kaharap ang lalake. nsa malalim na pag iisip si natalie ng biglang ng ring ang kanyang telepono,"ahm yes helow" sagot ni natalie sa kabilang linya."may i speak with miss. natalie?"saad ng babae sa kabilang linya."yes speaking, may i know you?" tanong naman ni natalie dahil di nabosesan ang tumawag. "wahhh nat its me jo hmmmm..di kita nabosesan hah bruha ka.haha"sabay tawa ni josephine."jo, mustah kana? ako rin hindi ko narecognize ang boses mo sorry hah! "hingi ng paumanhin ni natalie sa kaibigan. "naku wala iyon nat, hehe well kinamustah lng kita, sorry di ko nasabi sayo na pauwi ako ng pinas, andito na ako friend, syempre kasama ang aking loving husband at cute na cute na baby hehe."mahabang sabi nito. masayang ng uusap ang dalwang magkaibigan sa phone kaya nawaglit sa isip ni natalie ang mga pangamba niya tungkol s misteryosong lalake. maya maya pa lamang ay nagpaalam na rin si josepine sa kabilang linya dahil nag aaya na umalis ang kanyang baby. ding! dong! tunog mula sa labas ng bahay ni henry, "henry may tao sa labas may inaasahan ka bang bisita?" tanong ng babae sa binata. "yap" maikling sabi nito "excuse me lang puntahan ko lang sa labas." tuwang tuwa naman si henry dahil alam niya na si natalie na ang dumating, excited syang binuksan ang gate mula sa pag kakasara ng "tito henry" tawag ng isang batang lalaki sa kanya, sabay takbo payakap sa lalaki, hindi inaasahan ng binata na darating ang mag ina sa gabing iyon, inaya niya ito papasok sa loob
ng bahay upang ipakilala sa mga kaibigan. samantala laking gulat naman ng mga tao sa loob ng makita kung sino ang inaasahang bisita ng binata. "colline is that you?” sabay tayo ni josephine at lumapit ito sa babae upang salubungin, ngyakap ang dalawa kahit hindi sila gaanong close nung high school life ay nagkahiwalay naman sila ng maayos ay na miss nila ang isat isa."kumustah kana jo? ang ganda ganda mo ngayon ah "puri naman ng babae sa kaibigan, "sya nga pala ito nga pala ang anak ko si hedrick."sabay tawag nito sa anak niyang halos di bumibitaw kay henry,"wow ang gwapong bata naman ng anak mo colline hehe, ako rin papakilala ko rin sau ang aking munting anghel, trish come here, i want you to meet tita colline and her son hedrick,"tawag nito sa anak habang nag lalaro ng puzzle.dali daling lumapit ang bata sa kanyang mommy at nakangiti itong nag bigay galang kina colline at hedrick.natuwa naman si colline sa inasal ng batang babae dahil napaka bibo nito tulad ng kanyang anak. maya maya lamang ay tinawag na ni roel ang mga kaibigan at inaya na itong kumain ng biglang may nag dorbell na naman, di na tumayo si henry mula sa pag kakaupo at tinawag nalang ang kanyang kasambahay upang buksan ang gate. Maya maya lamang ay nagbukas na ang nasabing gate nila henry sinalubong ng masayang ngiti ni Natalie ang babaeng nagbukas nun at magalang na tinanong ang kanyang hinahanap.”good evening andyan ba si henry?”tanong ng dalaga sa matandang babae, “yes ma’am tuloy poh kayo.”.pumasok ang dalaga sa loob ng bahay ni henry buong hanga niyang pinag masdan ang munting tahanan ni henry, ito ang unang pagpunta nya sa bahay ng binata.laking gulat ni natalie na makita ang mga tao sa loob ng bahay ni henry, hindi nito akalain na ang mga kaibigan ay naroroon."nataliiiiiiiiiiiiiiiee,!!!"sigaw ni jo habang sabik na sinalubong ang dalaga. dahil sa pag ka bigla ay hindi kaagad nakapag salita ang dalaga,sumunod na sumalubong din si roel na asawa ni josephine.binati nito ang dalaga sabay na rin sa pag welcome nito. maya maya lamang ay lumabas mula sa kusina sina henry at colline na nag tatawanan."natalie is that you?"bumitiw si colline sa pag kakaakbay ni henry at pinuntahan nito ang dalaga."wow. ang ganda ganda mo lalo natalie, hindi ko inaasahan na ikaw pala ang sinasabing bisita ni henry."sabay yakap nito sa dalaga.samantala si natalie ay umiwas ng tingin sa pag kakatitig ni henry.at niyakap na rin nito ang kaibigan. maya maya ay lumapit na rin si henry sa kinaroroonan ng dalaga."akala ko hindi mo ako sisiputin eh, maraming salamat sa pag dalo natalie."sabay halik nito sa pisngi ng dalaga, laking gulat naman ni natalie sa
ginawa nga binata bagay na biglang nag-init ang kanyang mga pisngi at namula, napansin naman ito ng binata at napangiti sabay hingi ng despensa sa ginawa.inaya na nito ang dalaga sa hapag kainan at sabay sabay nang nag si kain ang mga ito habang masayang ng kwekwentuhan.binalikan nila ang mga nakaraan sa kanilang buhay. napakasaya ni natalie ng gabing iyon para na rin itong reunion ng kaniyang mga kaibigan, sa tagal nilang di pag kikita ay ito mag kakasama sila ngayon, natuwa naman si natalie kay henry dahil inimbitahan niya ito sa munting salo salong iyon, hindi nagkamali si natalie sa pag punta bagay na pinag isipan niya muna kung dadalo or hindi, balak kasi niyang makipag kita sa misteryosong lalake na laging nagpapadala nang bulaklak sa kanyang opisina na buong akala ni natalie ay si henry ang lalaking iyon, hayzz bakit pa ba siya aasa kay henry nakakahiya siya, may pamilya na ang tao at kung anu ano pa ang kanyang iniisip, napakaswerte ni colline at si henry ang nakatuluyan nito, bagay na ikinalungkot ulit ng dalaga. "hey friend bakit parang byernes santo iyang pagmumukha mo,?smile ka nga jan."pang aasar ni jo sa kaibigan sabay abot nito ng wine sa dalaga.napangiti naman ang dalaga sa sinabi ng kaibigan,nakikita niya sa mga mata ni josephine na napakasaya ng buhay nito kasama ang kanyang asawa na si roel at ang anak nitong napacute.samantala siya hanggang ngayon ay dalaga pa rin, kelan kaya darating sa kanya ang lalaking magmamahal din nang tapat sa kanya, sana si henry iyon pero di na maari isang pangarap nalang si henry para sa kanya. Kinabukasan sa kanyang opisina ay nakatanggap na naman siya ng bulaklak at chocolate sa kanyang mesa, nag sasawa na si natalie sa laging ganon pag darating siya sa kanyang opisina, dahil sa inis sa misteryosong lalakeng laging nagpapadala ng bulaklak ay itinapon nalang ito ni natalie at hindi na binasa pa ang card na nakalakip doon at ang chocolate naman ay binigay nalang niya sa kanyang sekretarya. "hi sir henry magandang umaga poh, sir chocolate poh gusto nyo."alok ng sekretarya ni natalie kay henry. "no thanks, sino nag bigay ng chocolate na iyan?"tanong naman ng binata sa sekretarya, sinabi ng dalaga na galing kay natalie ang chocolate na iyon, hindi na kumibo ang binata at sinabi nito sa sekretarya na papasok ito sa loob ng opisina ng dalaga. pag pasok ni henry ay laking gulat nito ng makita ang mga magagandang bulaklak sa basurahan nito, hindi namalayan ni natalie na naroon na si henry sa loob ng kanyang opisina at hindi nito nagawang batiin man lang ang binata. samantala si henry ay hindi na rin tumuloy upang kausapin ang dalaga, bagkos ito ay umalis nalang na masama ang loob, wala
na talaga siyang kahit konting pag asa man lang sa dalaga. "good evening maam this way poh!"malugod na pag salubong sa kanya ng waiter at dinala siya nito sa kinaroroonan ng kanyang date. pag kakita sa kanya ni mr, x ay agad na tumayo ang binata at inimbitahan siya nitong maupo. "how are you beautiful lady?" tanong ng misteryosong lalake sa dalaga. "okay lang naman ako mr. ikaw pala ang nagpapadala ng mga bulaklak sa aking opisina maraming salamat."sabi ng dalaga. "you look familiar?"dugtong nito.”yap mis natalie, nagkita na tayo before, sa isang okasyon sa bahay ng mga baronman, isa ako sa mga bisita,at isa din ako sa humanga sa iyong kagandahan that time,"paliwanag ng binata. sinabi ni natalie na naalala na niya ang binata, ito din ang nag aya sa kanya upang sumayaw.naging okay naman kay natalie ang date na iyon, nakilala niya ang binata na laging nag papadala ng bulaklak sa kanya, hmmmm desenteng tao, at gentleman. nakagaangan na rin ng loob ni natalie habang kausap ito, may sense of humor at matalino din. matapos ang ilang oras na pag kwentuhan ay nagpaalam na rin si natalie na umuwi na dahil marami pang trabaho na tatapusin bukas, tinugon naman iyon ng binata. palabas na nang nasabing restaurant sina natalie nang makasalubong isang taong mahalaga sa kanyang puso na may kasamang ibang babae.nagulat naman si natalie, sino ang babaeng iyon, at laking taka din ni natalie ni hindi man lang siya binati ng binata, tiningnan lang siya nito na parang hindi kilala at pumasok na sa loob ng resto. Samantala habang nag aantay si natalie sa pagbukas ng elevator ay naisip niya ang ng yari kagabi, bakit ganun si henry, parang di siya kilala nito, bakit may kasama itong ibang babae, pano si colline? ang daming tanong sa isip ni natalie na hindi nya alam kung panu masasagot,well bakit nga ba sya nagiisip masyado sa lalakeng iyon,kung di siya pinansin ay di rin nya ito papansinin.ouch para ata silang mga bata hehe!! tulad ng araw araw na nangyayari kay natalie sasalubong kaagad sa kanya ang magagandang mga bulaklak sa kanyang mesa. kinuha agad ito ni natalie ay nilanghap ang bango nito, binasa ang munting card at nakasulat doon ang pasasalamat ni mr x sa pakikipg kita sa kanya kagabi lamang. inayos ni natalie ang nasabing bulaklak at inisprayan ito upang lalong maging maganda. wala naman masama kung bibigyan nya ng pagkakataon ang bagong kaibigan na lalo pang makilala. Samantala, habang inaayos ni natalie ang nasabing mga bulaklak ay bigla nalang dumating ang di inaasahang bisita. "kumusta ka magandang binibini," sabay abot nito ng munting regalo kay natalie,"hi hindi
ko inaasahang ikay paparito sa aking opisina, sana man lang ay tumawag ka ng mapag handaan ko ang iyong pagdating salamat sa munting regalong binigay mo sana di kana nag abala pa..."sabi ni natalie habang inihinto muna nito pansamantala ang kanyang ginagawa at lumapit sa kanyang bisita. kinamusta naman siya ng kanyang bisita at inalok na managhalian kasama nya, pagkatapos ng kanilang maikling pag uusap ay nag paalam muna pansamantala ang lalakeng kanyang bisita at sinabi na me pupuntahan pa ito. nagset ng oras ang matanda at sinabing aantayin na lamang niya ang dalaga upang makasama sa tanghalian. "magandang umaga henry,! " sabi ng matanda at lumapit kay henry. dahil sa narinig ay napatingala ang binata at nabigla sa di inaasahang panauhin."oh! mr. baronman. how are you sir? im glad to see you again, im not expecting you that you will come in my office, have a seat sir." inaya nitong umupo ang matanda upang makausap."well, im just drop by to invite you for lunch, its been a long time that we can’t hang out together"tugon nito."can i get you something sir, what would you like to drink? coffe or wine?" tanong nito sa matanda at aktong tatayo na si henry ngunit siya ay pinigilan ng matanda."no, dont bother, di rin ako magtatagal, magkita nalang tau mamaya gusto kita makasabay sa tanghalian at pag katapos nun ay bibisitahin ko rin ang aking anak, di niya rin alam ang aking pag parito, balak ko rin siyang surpresahin sa aking pag babalik." maya maya lamang ay nagpaalam na ito kay henry. Alas 12 ng tanghali ay nasa nasabing restaurant na si natalie, at nakita agad nito ang kanyang hinahanap."magandang tanghali mr. baronman"bigay galang ni natalie sa matanda."natalie your here thanks at dumating ka maupo ka iha." tumayo si mr. baronman bilang pag respeto sa bagong dating na dalaga. tuwang tuwa naman si natalie dahil kasabay niya sa pananghalian ang tinuring na pangalawang ama. maya maya lamang ay dumating na naman ang isa pang bisita ni mr. baronman walang iba kundi si henry. dahil sa pag ka bigla ay di nakapag salita ang dalaga, di nito inaasahan na inimbitahan ni mr. baronman ang binata, nakalimutan nito na dati palang mag katrabaho ang dalawa kaya dapat ay inasahan na niya ito. naging sibil naman si natalie at binati nito ang binata. napansin agad ng matanda ang malamig na pag tugon ng binata sa dalaga, naisip nito na maaring may problema sa pagitan nang 2 kaibigan. inalok na ng matanda ang dalawa upang mag order na nang kakainin sa kanilang pananghalian, habang kumakain ang tatlo ay nagkwento naman si mr. baronman sa mga magandang nangyari sa kanya simula ng
magbitiw ito sa kumpanya nila natalie at nagtayo nang munting negosyo sa kanilang lugar kasama ang kanyang asawa. laking pasasalamat ng matanda sa parents ni natalie dahil sa laki ng naitulong nito sa kanyang buhay kaya ganun na lamang ang kanyang pagpapahalaga sa dalagang si natalie.habang kumakain naman si natalie ay di nito maiwasan ang di sumilip sa kinauupuan ng binata, nakaw tingin niya itong pinag masdan at nasa kanyang mga mata ang labis na pagtataka bakit ganun na lamang ang pagiging malamig ng binata sa kanya, samantala dahil sa katahimikan ng dalawa ay..."eheeemm....excuse me pupunta lang ako sa bathroom."sabi ni mr. baronman.tumayo ang matanda at nagtuloy ito sa bathroom, ginawa nyang alibi ang pagpunta dun para bigyan ng pagkakataon ang dalawa na makapg usap at mukhang may dapat ayusin ang mga ito.si henry naman ay patuloy sa pagsubo ng kanyang pagkain.si natalie naman ay di nakatiis at ito na ang unang nagsalita."eheem..."piling ni natalie ay may bumara sa kanyang lalamunan.dahil sa narinig ni henry na pag ehem nito ay tanging nasambit nito ay."if you want to excuse you may go, go to bathroom.” diretsong sabi nito."nope, im not going anywhere, teka nga bakit ba ang sungit mo hah.parang nasamid lang ang tao masyado ka namang affected dyan."sabi ni natalie sa lalake."no, im not affected and why should i? i dont care whatever you want to do or want to say."sabi ni henry at nagsusungit pa din. papatulan na sana ni natalie ang binata ngunit biglang dumating si mr. baronman, sa pag balik ni mr. baronman ay agad na nagpaalam ang dalaga sa matanda at idinahilan nalang nito na may mahalagang aasikasuhin sa opisina,nagawa nitong mag sinungaling sa matanda pero ang katotohanan ay hindi na niya kaya pang tagalan ang pag stay dun at baka mag away lang sila ni henry.wala naman nagawa ang matanda kundi ang pumayag sa gusto ni natalie balak sana siya nitong ipahatid kay henry ngunit tumanggi ang binata at sinabing may dadaanan pa itong kaibigan bagay na lalong ikina init ng dugo ng dalaga.sinabi nalang ni natalie na kaya niya ang mag isa pabalik sa opisina at ayaw magkaron ng utang na loob kaninu man lalong lalo kay henry.muli ay nag pa alam na ang dalaga at humalik sa pisngi ni mr. baronman at di na nito ginawa pang sulyapan ang kinaroonan ng binata dahil lalo lang siyang masusuklam. Pag kadating sa opisina ni natalie ay agad itong tumawag kay mr. baronman at humingi ng despensa sa ginawang pag alis kanina bagay na naunawaan naman ng matanda at sinabing iimbitahan ulit niya ito sa dinner sa susunod na mga araw bago bumalik sa kanilang lugar at malugod naman
itong tinanggap ng dalaga.nararamdaman ni natalie habang kausap ang matanda na gusto nitong magtanong about sa kanilang 2 ni henry kaya nag paalam na ito at baka di nya lamang masagot ng maayos ang matanda. Samantala sa bahay nila colline ay.. "dingdong!"...."letty can you please open the door.."sabi ni colline sa katulong, dahil busy sa pag hahanda ng mirienda para sa anak nito."yes mam"tugon ng katulong. pinatuloy naman ni letty ang bisita at muli ay isinara ang pinto."hmm....mukhang busy ka?"sabi ng bisita..nabigla naman si colline kaya agad itong tumingala at tiningnan kung kanino galing ang pamilyadong boses na iyon."i knew it.hehehe"sabay takbong lumapit sa kinaroroonan ng bisita.."how are you daddy its good to see you again i miss you dad, weres mom, why di mo sya kasama? ikaw lang ba mag isa? anung oras ka nakarating.?"sunod sunod na tanong nito sa kanyang ama."opss,,take it easy my dear, isa isa lang ang dami mo agad tanong hehe."pagpapatawa ni mr. baronman. isa isa namang sinagot ng matanda ang tanong ng anak at ngayon sya naman ang nagtanong sa dalaga."asan ang apo ko?"sabay haligap kung san man naroroon ang bata.sinabi ni colline na di pa dumarating ang apo nito mula sa skwelahan at ito busy sya sa pag hahanda ng miryenda para sa pag babalik ng kanyang anak dahil alam nito na gutom ito pagkagaling sa paaralan,inaya ni colline ang ama upang maupo.masayang nag kwentuhan ang mag ama at kinamusta naman ni colline ang ina at sinabi ng kanyang ama na busy ito sa pag aasikaso nang kanilang negosyo.sabik na rin makita at mayakap ang ina kaya laking pang hihinayang nito na di ito kasama ng kanyang ama, kaya naisip nalang ni colline na sa darating na summer ay mag babakasyon ito kasama ang kanyang anak. dahil sa tagal na di pag kikita nilang mag ama ay ang dami nilang pinag usapan, masaya malungkot at kung anu anu pa. nasa ganoong silang eksena ng bigla na lamang ng bukas ang kanilang pintuan at narinig nila ang ingay na nag gagaling sa labas, walang iba kundi ang anak nito na nakikipag harutan. "mom im home."sigaw ng bata at patakbong tinungo ang kanilang sala. nagulat naman ito ng makita ang kanyang lolo kaya tumakbo ito palapit sa matanda at sabay yakap nito. maya maya lamang ay si henry naman ang sumunod na pumasok mula sa labas at dala nito ang bag ng anak ni colline. nag bigay galang ito sa matanda at naupo sa sofa sabay lapag ng gamit ng bata. samantala si colline naman ay pansamantalang nag paalam sa tatlo upang mag handa ng makakain. habang wala si colline ay nagtanong naman ang matanda kay henry na kaya ba di nito nagawang ihatid si natalie dahil susunduin pala nito ang anak ni colline,
sumagot naman si henry at sinabong oo, un lamang at sinang ayunan nalang nito kung anu ang nasa isipan ng matanda dahil ayaw nito na mag isip pa ng kung anu si mr. baronman sa pagitan nila ni natalie. dahil sa sagot na yon ni henry ay tinitigan siya ng matanda, dahil alam ni mr. baronman na mahal na mahal nito ang dalaga, bakit ngayon na mag kasama na sila ay di nito magawang ilapit ang sarili sa dalaga, pakiramdam ng matanda ay may kung anung problema between sa dalawa at sana ay maayos iyon agad. “Natalie..” tawag ng isang babae mula sa bilihan ng mga prutas. Nilingon ni Natalie kung sino ang nag mamay ari ng boses na iyon at nakita niya si colline kasama ang anak nito na namimili ng prutas, aktong palapit na ang dalaga sa kinaroroonan nang mag ina ay laking gulat nito na biglang may dumating na lalake at humalik kay colline at sa anak nito sabay karaga nito sa batang lalake, hindi magawang mag tanong ni Natalie sa nakita at ito ay napangiti na lamang sa dalawa. Samantala ay ipinakilala naman ni colline ang nasabing lalake kay Natalie, sinabi niya na ito ang kanyang ex husband, ngunit ngayon ay mag kasama na ulit ang dalawa dahil na settle na nila ang kanilang problema dati at nandoon pa rin ang pagmamahal nila sa isat isa, biglang napahiya si Natalie sa kanyang sarili at namula ito bagay na napansin ni colline sa dalaga kaya tinanong nito kung ano ang dahilan, pinaalam naman ni Natalie na ang buong akala niya na asawa nito ay si henry dahil nakita nito noon ng panahon na bagong dating siya ang sweetness ng dalawa pati ang pag care ni henry sa anak nito, natawa nalang si colline sa sinabi ng dalaga at pinaliwanag nito na walang namagitan sa kanilang dalawa ni henry, oo, may pag nanasa si colline sa binata ngunit iyon ay hanggang pangarap lang dahil iba ang tinitibok ng puso ni henry. Dahil sa narinig ay bigla nabunutan ng tinik ang dalaga at bigla nalamang na guilty sa pag iisip ng di maganda. Nag paalam na si Natalie sa mag asawa at sinabing may pupuntahan pa ito. Samantala si colline ay tumawag kay henry at inimbitahan kumain sa labas dahil may sasabihing sorpresa sa lalakeng kaibigan, bagay na tinanggap ni henry ang alok ng kaibigan. Alas singko ng hapon pag ka labas mula sa opisina ay nagtuloy si henry sa sinabing tagpuan nila, nag tungo ito sa isang coffee shop at nakita niya na andun na nga ang kaibigan kasama ang asawa nito. Hinanap ni henry ang anak ni colline at sinabi nito na iniwan niya ito sa lolo ng bata, Masaya naman na binalita ni colline ang pag kakabalikan nilang mag asawa, masayang binati ni henry ang mag asawa at pinag sabihan na kung sakaling mag karoon ng problema ay ayusin muna at mag usap ng
maayos. Bagay na kinatuwa ni colline dahil sa payo ng mabuting kaibigan, nabanggit naman ni colline na nagkita sila ni Natalie sa bilihan ng mga prutas at sinabi nito na pinagkamalan ni Natalie na si henry ang ama ng bata at asawa ni colline, tawa naman ng tawa ang dalaga subalit bigla nalang pumasok sa isipan ni henry na kaya pala ganoon kalamig sa kanya si Natalie dahil ang buong akala nito na si colline at siya ay mag asawa, ngayon ay naunawaan na niya ang dalaga kung bakit ito umiiwas sa kanya. “hello.” , “ nat its me josephine” Mula sa kabilang linya, “jo, kumusta na?”tanong ng dalaga sa kaibigan, “okay naman ako fren ikaw kumusta ka na?” sambit nito. “nat siya nga pala kaya ako napatawag eh papaalam ko lang na bukas na iyong flight naming nila roel, may emergency lang kaya kailangan namin bumalik agad sa bahay” malungkot na dugtong nito.”ha? bakit ano nangyari biglaan naman ata yan, hindi pa tayo nakakapag usap ng matagalan hayzzz.”Tugon naman Ni Natalie. Dahil sa sinabi ni Natalie ay pinaliwanag ni jo sa kaibigan na nag kasakit ang mother In law nito at kailangan nila umuwi agad, sa sinabi ni jo ay naintidihan naman niya ang kaibagan. Matapos ang mahabang pag uusap ay nag paalam na si jo kay Natalie dahil mag aayos pa ito ng kanilang gamit pauwi.samantala si Natalie naman ay nag asikaso na rin upang matulog.dahil ang balak niya bukas ay puntahan si henry sa opisina nito at siya na ang unang kakausap sa binata dahil para sa kanya siya naman ang nagkamali dahil sa inasal nito. “ano ba? Bakit ka ba nag balik ha?” habang inaalis nito ang kamay sa kanyang baywang.”bakit di mo ba ako namiss “ sabi ng babae kay henry.” Wala na tayo bakit ka pa andito, ano bang pinaplano mo?tanong nito sa da.laga.”hmm kaw naman napa ka sarcastic mo naman,masama ba na bisitahin ka,”dahil sa kakulitan ng nasabing bisita ni henry ay nainis na ito sa dalaga. Samantala panay naman ang yakap nito na tila ba inaasar lalo ang binata.habang mag kayakap ang dalawa ay di naman nila napansin na may taong nakamasid sa kanila. “lumeng, halika pumarito ka may bisita tayo.”sigaw ng matandang lalake sa asawang c lumeng.lumapit naman ang matandang babae at iniwan muna sandali nito ang ginagawa sa kusina at nagtungo sa kinaroonan nang kanyang aswa. Nabigla naman ang matanda sa nakita.” Sir xydreck “sabi nito at lumapit kay xyd at nag yumakap sa binata, ganun din naman ang binata dahil matagal nang di nakita ang tinuring na pangalawang magulang. Pinakilala naman nix yd si Natalie sa mag asawa at tuwang tuwa ang mga ito dahil sa unang pag kakataon ay may sinamang dalaga ang binata sa kanilang lugar. Inaya ng mag asawa ang dalawa sa loob
ng bahay upang makapag pahinga dahil alam nito na pagod sa mahabang biyahe. Tinungo nix yd ang dating kwarto samantalang si Natalie naman ay sinamahan ni aling lumeng sa kanyang tutulugan. “maraming salamat po,” bigay galang ni natalie sa matandang babae, ngumiti ang matandang babae at sinabing lalabas sandali upang ihanda ang kanilang hapunan,inisa isa naman inayos ni Natalie ang mga damit at inilagay sa cabinet, habang nag aayos ng kanyang gamit ay di mawaglit sa kanyang isipan ang nakita nang gabing iyon, dahilan kaya pumayag siyang sumama kay xyd na magbakasyon sa isla. Gusto niyang makalimot sa pag kakataong ito kaya naisip niyang paraan ay ang pag layo, sana nga!. Buong akala kasi niya nang malaman ang buong katotohanan ay mag kakaroon na sila nang pag kakataon ni henry na mag kasamang muli, bakit nga ba parang napakaraming problema ang dumarating at hindi ba siya pwedeng maging Masaya sa piling ng kanyang minamahal. Matagal nang panahon nang sinara ni Natalie ang puso upang magmahal ng iba dahil ang buong pangarap niya walang iba ay si henry si henry na sa ngayon para sa kanya ay isang ala ala na lang,pilit niyang kalilimutan ang binata upang di na masaktan pa, total may isang tao naman sa kanyang tabi na handing mag hal sa kanya ng buong tapat, tuturuan niya ulit ang kanyang puso na umibig ulit, ngunit hindi kay henry kundi sa isang taong nag papahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon. Nasa malalim na pag iisip ang dalaga nang may kumatok mula sa pintuan, pinatuloy naman ng dalaga ang taong kumakatok kanina lamang. “natalie okay ka lang ba rito sa kwarto mo?”tanong nix yd sa dalaga.”oo xyd maraming salamat ha. Ito nag aayos lang ako sandali ng mga gamit ko at maya maya eh lalabas na rin”mahabang sambit ng dalaga habang patuloy sa pag tutupi ng mga damit nito. Di na rin nag tagal si xyd sa loob ng kwarto ni natalie at nag paalam na rin ito upang magtungo sa labas sinabi nitong ipapatawag na lamang siya pag handa na ang kanilang hapunan. “hello henry bakit napatawag ka?”sabi ni colline.”colline itatanong ko lang sana kung nagkita kayo ni natalie hindi ko kasi alam kung nasan siya ngayon di ko rin makontak ang cellphone niya”buong pag aalala ng binata, sinabi naman ni colline na hindi nito nakita ang dalaga at hindi rin nito makontak ang numero na binigay ni natalie sa kanya. Sinubukan naman tawagan ni colline ang telepono sa bahay nito at ang sabi ng katulong ay umalis ang amo na may dalang maletang maliit at sinabing magbabakasyon,saan?iyon ay hindi na sinabi pa ng katulong dahil bilin ng
kanilang amo na huwag papa alam sa iba kung asan siya at kung sino ang kasama nito. “miss natalie handa na po ang hapunan”sabi ni aling lumeng sa dalaga. Magalang naman na sumagot ito at sinabing susunod na. masayang nag hapunan ang apat at si natalie naman ay maraming nakain dahil sa sarap ng pag kaluto ni aling lumeng ng ginataang laing, inihaw na bangus at may dessert pang leche plan.matapos mag si kain ay tumulong si natalie sa pag liligpit ngunit pinag bawalan siya ng matandang babae na ayon sa kanilang pamahiin ay masama nag mag hugas ng pinggan ang bisita nang di pa natutulog sa kanilang bahay, kaya sinunod naman ni natalie ang sinabi ng matanda at tiningnan na lamang niya habang nag huhugas ang matandang babae, sinabi rin nito na huwag na siyang tatawaging miss natalie bagkos ay natalie na lamang at siya naman ay tita ang itatawag sa nasabing matanda. “oh! Natalie, anung ginagawa mo dito sa labas, napakalamig dito baka mag ka sipon ka”sabi ni xyd sa dalaga sabay abot nito ng balabal sa dalaga upang proteksyon sa lamig. “hmm…hindi pa kasi ako inaantok xyd gusto ko lang magpahangin sandali bago matulog.salamat nga pala dito”sabi ni natalie at sabay turo sa nasabing balabal.”mukhang malalim ang iniisip mo, hmm kung gusto mo ng kausap makikinig ako natalie para naman mabawasan iyang nararamdam mong bigay sa dibdib mo, alam ko may problema ka.”sabi ni xyd at tumabi sa kinauupuan ng dalaga.”ang ganda ng lugar na ito xyd, salamat nga pala sa pag imbita mo sakin para pumunta dito, di ako nag sisi na sumama sa iyo.”puri ni natalie sa lugar kung saan kinagisnan ng binata,ngumiti naman ang binata sa sinabi ni natalie at nagpasalamat dahil nagustuhan nito ang lugar.”hmm..nag mahal ka naba ng tapat xyd?”tanong ng dalaga sa binata.sinagot naman ng buong tapat ng binata ang dalaga sa tanong nito.”ako may isang taong mahal na mahal ko pero ang parang pinag lalayo kami ng tadhana, haayssss..matagal ng panahon bata pa lamang ako siya na ang laman ng puso ko hanggang sa umalis ako at muling nag balik ditto upang tuparin ang pangarap ko na makasama siya ngunit sa tuwing ng kakaroon ako ng chances dumarating naman ang balakid,sumusuko na ako na siya ang makakatuluyan ko baling araw siguro hindi kami para sa isat isa.”mahabang kwento ni natalie sa binata ng di nito namalayan na tumulo na pala ang luha nito, “minsan sa buhay ng tao dumarating talaga ang pag subok lalo sa taong minamahal mo, doon mo masusubukan kung hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo, bigyan mo ang sarili mo ng panahon para mag isip isip,susuko ka
nalang ba, kung sa tingin mo ay dapat, or lalaban ka pa rin para sa pangarap na gusto mong abutin dahil na umpisahan mona. Ang pag subok ang nagbibigay satin ng lakas upang ipagpatuloy ang laban natalie. Kung kakainin ka ng takot at kawalang ng pag asa maaring ang pangarap mo ay isang pangarap na lang na di mo matutupad.”mahabang paliwanag naman ng binata sa dalaga at sabay abot nito ng panyo. Sa mga nabanggit ni xyd ay may punto ito,tama ba na titigil na lang siya tatakbo, tatakas sa problema. Sa gabing iyon ay nakilala niya ng lubos si xyd. Nag karon siya ng isang kaibigan tulad nito. “hello, oh! Napatawag ka? Hmmm good news ba?” tanong ng isang babae mula sa kabilang linya.” Tumawag ako hindi para sa binabalak mo, gusto kong sabihin sa iyo na wala na akong plano na ituloy ang kagustuhan mo.”sabi sa kabilang linya.”abah, mister, akala ko ba napag usapan na natin ito, ayan kasama mo na ang taong gusting gusto mo. Huwag mo ng pakawalan pa. at ako makakasama ko na rin ang taong mahal ko. Saka pwede ba huwag ka ng mag inarte dyan mag pa salamat ka nalang.” Sabi nito na may galit sa tono ng pananalita.”wala akong dapat ipag pa salamat sa iyo, napa kabuti ni natalie para gawan ng masama kaya kung pwede rin sana tumigil ka na sa kahibangan mo,mylene”tugon nito at sabay baba ng telepono. Nainis naman ang dalaga dahil sa kabastusang ginawa sa kabilang linya,binabaan siya nito ng telepono ng di pa tapos ang kanilang pag uusap. Galit na galit ang dalaga at isa isang pinag babato nito ang mga bagay na nakita sa kanyang harapan.”hindi maari,hindi maari ito. Kung di mo kayang gawin puwes ako ang gagawa mag sisisi ka, mag sisisi kayo, puro nalang kayo natalie, pati ikaw henry mag babayad ka, kung di ka magiging akin di ka rin mapupunta kay natalie sinusumpa ko yan…wahhhhhhhhhhhhh”sabay sigaw ng dalaga na para bang naloloka na dahil pati sarili ay kinakausap na nito. “magandang umaga natalie, kumusta ang tulog mo?”bati ni xyd sa dalaga at inaya ito upang mag agahan na. sinabi naman ng dalaga na maayos ang kanyang pagtulog at nag pasalamat ito dahil sa pag comfort sa kanya kagabi. Nag salo ito sa agahan at sinabi ni xyd na pag katapos ay mag hohorse back riding ang dalawa.excited naman si natalie sa sinabi ng binata.matapos ang agahan ay nag gayak na ang dalaga upang mag handa sa kanilang pag alis, makalipas ang ilang minuto ay nag tungo ang dalawa sa kinaroonan ng mga kabayo, pinakilala ni xyd kay natalie ang paborito nitong kabayo na si black eagle.pagkatapos ipakilala ni xyd ang kanyang paboritong
kabayo ay inilabas naman nito ang isa pa at sinabing iyon naman ang paboritong kabayo ng kanyang nakababatang kapatid na si xyrene walang iba kundi si black widow. Pinuntahan ni natalie ang nasabing kabayo at pinag masdan niya ito at para bang kinakausap niya ang kabayo mata sa mata.maya maya ay sumampa na si natalie sa kabayo at laking gulat naman ni xyd dahil kayang dalhin ni natalie ang sarili sa pag sampa mula sa kabayo, ang hindi alam nito na may mga alagang kabayo din ang dalaga sa kanilang lugar. Pag katapos ay namasyal na ang dalawa, nilibot nito ang hacienda nila xyd. Ang daming magagandang tanawin sa lugar na iyon bagay na nagustuhan ng dalaga, dahil pakiramdam niya ay nasa sarili siyang lugar. Matapos ang mahabang pamamasyal sa maghapong iyon ay umuwi na ang dalawa upang makapag pahinga. “ano ba mylene will you please stop calling me, sabi ko naman sa iyo na wala na ako sa mga plano mo okay, huwag na huwag kang gagawa ng anumang masama laban kay natalie ako ang makakalaban mo.”sabi ng misteryosong tao sa kausap sa kabilang linya.”hmm….grabe ka naman di naman ako tumawag para do’n, kakamustahin lang naman sana kita eh, pero dahil pinag init mo ang ulo ko sige, bibigyan kita nang babala, bantayan mo ng mabuti yang kasama mo kung ayaw mo na mawala siya sa paningin mo hahahaha..byeeeeee…..”pang aasar ni mylene sa kausap. Dahil sa narinig ay pinag pawisan ng malapot ang lalake,paano nito ipapaalam kay natalie ang mga balak ni mylene, paano kung magalit ito sa kanya.gulong gulo ito sa pag iisip. Samantala sa bahay naman ng dela rea ay nakatanggap ng tawag si henry mula sa misterosyong caller, sinabi nito na nasa panganib si natalie at sinabing tatawag na lang ulit pag kailangan ng tulong mula sa lalaki, hindi naman mapakali si henry kung paniniwalaan ang mga sinabi ng lalaki sa kabilang linya. “xyd pinatawag mo daw ako?” tanong ni natalie sa kaibigang lalake na nakaupo sa terasa habang umiinom ng wine.”oo natalie halika samahan mo ako dito,”aya nito sa dalaga sabay alok nito ng iniinom na wine at pina upo sa kanyang tabi.”pag masdan mo ang kalangitan natalie, kay gandang pag masdan, ang mga bituin ang buwan, hayzzzz, parang ang sarap hawakan, kaso di maabot dahil napaka layo nito, kailangan dumaan ka muna sa makakapal na ulap,malagpasan ang boundery ng mundo, iwasan ang mga cometa na papalapit sa iyo bago mo ito maabot ng husto.”mahabang sabi ni xyd habang naka tingin sa kalawakan. Samantala si natalie naman ay
napatingin kay xyd, kay inam nitong pag masdan, ang mga mata nito na tila ba nangungusap, ang lungkot ng mukha ni xyd na para bang may pinag dadaanang malaking problema. “tama ka sa sinabi mo xyd, ang buwan ang pangarap mong maabot, ang mga makakapal na ulam, mga paparating na cometa na dapat iwasan ang sumisimbolo ng mga pag subok na dapat mong abutin bago mo makamit ang pangarap na iyon, pero tulad ng sinabi mo sakin gusto mo ba na ang pangarap mo ay maging pangarap na lang? na sa iyo ang desisyon, kaya xyd kung anu man ang gumugulo sa utak mo ngayon handa rin ako makinig bilang kaibigan mo.”mahabang paliwanag ni natalie sa mga sinabi ni xyd sabay inom ng wine.dahil sa sinabi ni natalie ay napangiti si xyd at sabay tapik nito sa balikat ng dalaga, at nag pasalamat sa tugon nito.”minsan ang pangarap na gusto mong maabot ay may kapalit na pag durusa at may kapwa kang masasaktan dapat din pag isipang mabuti kung itutuloy mo iyon, magiging Masaya ka sa pangarap na naabot mo pero may taong masasaktan ka naman lalo kaibigan mo. Basta natalie, ano man ang mangyari mag kaibigan pa rin tayo, matupad man ang pangarap na iyon or hindi, Masaya na ako dahil andyan ka sa tabi ko”sa sinabing iyon ay biglang tumayo ang binata at ng paalam na sa dalaga upang matulog, naiwan naman ang dalaga sa terasa na puno ng katanungan, bakit ganun ang pananalita nito, sobrang lalim at may ibig sabihin. “natalie tara na, marami ng tao ngayon sa palenke”sigaw ni aling lumeng sa dalaga, dali dali naman lumabas ng kwarto ang dalaga at lumapit sa matanda, pag katapos ay nag gayak na ang dalawa sa pag alis upang mamalengke, naisipan kasi nito na sumama sa palengke upang mamili na rin ng sariling gamit nito sa katawan. Hindi nito akalain na sobrang aga pala mamalengke ng matandang babae, well sabagay para nga naman hindi mainit at siksikan sa palengke at tiyak bagong huli at sariwa ang mga isda na mabibili nila. “aling lumeng anak mo ba iyang kasama mo, napa ka ganda niya.” Tanong ng tindera ng isda sa matandang babae, “haha, tina, ito nga pala si natalie kaibigan ni xydreck , naalala mo pa ba ang batang iyon na lagi ko rin kasama sa tuwing namamalengke ako dati, galling sila ng maynila nag bakasyon lang ditto.”nakangiting kwento ni aling lumeng habang pinapakilala si natalie.”ay oo naman si xydreck naku siguro napa ka gwapong bata na iyon ngayon, hmm bagay sila hah hehhe”sabay tingin kay natalie. Nag bigay galang naman si natalie kay tina at nag pa salamat sa papuri nito sa kanya. Matapos ang pamimili ng isda ay nag punta naman sila
sa gulayan,tulad ng eksena kanina ay ganun din ang tanong ng mga kakilala ni aling lumeng tungkol kay natalie, lulang lula naman ang dalaga sa mga papuri ng mga tao na andun hindi niya akalain na sobra ang pag welcome sa kaniya sa lugar na iyon, matapos ang ilang oras na pamimili ay gagayak na ang dalawa upang umuwi ng bahay ng bigla na lamang may sumulpot na armadong kalalakihan at kinuha si natalie, nag sisigaw naman ang matanda ng tulong ngunit walang makalapit dahil takot sa mga lalake na may mga dalang baril, nag papalag naman si natalie upang kumawala sa pag kakahawak ng lalake ngunit hindi nito magawang alisin ang braso nito sa pag kakahawak sa kanya, kaya bigla niya itong kinagat at inapakan ang paa nito at sabay siniko, pilit na nag laban si natalie sa mga ito, papalapit ang isang lalake sa kanya at bigla niya itong sinipa palayo gamit ang flying kick, bumagsak ang lalake sa lupa at halos mangiyak sa sakit ng katawan, akmang babarilin siya ng isang lalake ngunit binatukan ito ng pinaka pinuno sa kanila na kailangan nila ng buhay ang babae, binitawan nito ang baril at lumapit sa dalaga upang labanan ng mano mano, nag sisigawan naman ang mga tao dahil sa aktong napanuod na laban hindi nila akalain na kanyang ipagtanggol ni natalie ang sarili laban sa mga lalakeng iyon, hmmm may pag ka amazona pala hehehe, well di iyon ang eksaktong tawag dun kundi self defense lang, na pinag aralan pa niya sa America ng siya ay nag tungo dun. Nasa gitna ng labanan ang dalaga ng bigla nalang may sumigaw sa kanyang likuran.”sigekung hindi ka titigil sa ginagawa mo pasasabugin ko ang utak ng matandang ito, sumama ka sa amin kung ayaw mo na lahat ng tao dito ay madamay.” Sa pag kasabing iyon ay ngbigay ng warning shot ang lalake patunay na gagawin nito ang sinabi sa dalaga. Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumuko sa mga ito sinabi niya na sasama siya sa mga ito at pakawalan lang si aling lumeng at hayaan ang mga taong wala naman kinalaman sa kanila.lulan ng van ay nagtungo ito papunta sa hiding area, di naman alam ni natalie ang lugar kung asan siya dahil may takip ang kanyang mga mata at nakagapos din ang kanyang mga kamay. “tiyo,asan sina tiya at natalie.?”tanong ni xyd sa matandang lalake habang nag sisibak ng kahoy sa likuran.”oh! iho gising ka nap ala, namalengke ang dalawa maaga pa sila umalis hanggang ngayon ay di pa nakabalik, sandali lang at ipag hahandda kita ng maiinom.”sabi nito at binitawan ang ginagawa at nag tungo sa kusina. Pag kabalik ay dala na nito ang isang tasa ng kape para sa binata, nasa ganoong eksena ang dalawa ng bigla nalang may dumating na halos patirin ng hininga dahil sa sobrang
pagod nito.”berting, xydreck.”sabi ng matandang babae na hinihingal at di naituloy ang sinasabi.”tiya asan si natalie bakit hindi niyo kasama? Bakit ganyan ang itsura niyo?”tanong naman ni xydreck na nag aalala na ng husto dahil hindi nakita si natalie.”sa palengke, may mga taong armado dumukot kay natalie, hindi kami makalapit ang dami at mga armado sila, nagpilit lumaban si natalie kaso, kung hindi siya sasama papatayin ako ng isang lalake iyong pinaka pinuno nila, kaya sumuko si natalie at sumama ng kusang loob sa kanila kaysa may madamay na ibang tao.”halos mangiyak ngiyak naman si aling lumeng at napaluhod dahil sa panghihina nito.sa narinig ay nabitiwan naman ni xydreck ang tasa ng kape at bigla nalang kinabahan, tumakbo patungo sa kanyang kwarto ang binata at kinuha ang kanyang cellphone,”hello, xydreck how are you?hmmm..anong meron at napatawag ka namiss mo ba ang babaeeng pinaka mamahal mo hah.” Sagot ng dalaga sa kabilang linya na may halong paglalandi sa lalake, “manahimik ka mylene hindi ako tumawag sa iyo para kamustahin ka.asan si natalie anung ginagawa mo sa kanya? Napaka sama mo talaga.” Nangigigil na si xydreck sa kausap na parang gusto nitong saktan kung nasa malapit lamang ito.”oopsss, masyadong matalim iyang dila mo mahal kogn xydreck, wala sa bahay ko ang natalie mo, kasama siya ng mga tauhan ko, kung asan? Hmmm bakit ko naman sasabihin sa iyo aber hahaha”sabay halaklak nito.”tandaan mo mylene walang magandang ibubunga itong ginagawa mo, tanggapin mo nalang sa sarili mo na hindi ka mahal ng taong mahal mo, sakim ka, sakim ka mylene. Hindi ka magiging Masaya..”galit na sabi ni xydreck kay mylene,”tsee..wala kang karapatan para sabihin sa akin iyan, kayo ang sakim at hindi ako, wala akong panahon makipag tsikahan sa iyo xyd your wasting my time.”sabay baba nito ng telepono samantala si xydreck ay nagsisigaw at pilit inaalam kung asan si natalie ngunit wala na ang kausap nito. “natalieeeeeeeeeeeeeeee…….”sigaw ni henry, hingal na hingal si henry at pawis na pawis ngmagising isang bangungot lang pala akala na niya totoo. Pag tingin sa orasan ay pasado alas tress palang ng umaga, kay sama ng panaginip na iyon. Si natalie humihingi ng tulong, nakapiring ang mga mata nito at pilit siyang inaabot ngunit bigla nalang naglaho ang dalaga sa dilim at boses nalang ang narinig nito na sumisigaw.nasa malalim na pag iisip ang binata ng bigla nalang nag ring ang kanyang telepono.”hello,colline napa tawag ka? May balita na ba kay natalie?” tanong nito sa kaibigang lalaki. “wala pa akong balita henry pero, napanuod ko sa news na may isang
babae bandang puerto na kinidnap nung nasa palengke ito, sinasabi nila na ang pangalan ng babae ay natalie ngunit wala pang larawan na pinakita kasi nga hindi taga roon ang dalaga.”mahabang sabi ni colline sa binata, napag isip isip nila n hindi kaya si natalie ang nasa balitang iyon pero bakit naman ito dudukutin ng mga armadong lalake wala naman inagrabyadong tao ang dalaga.”okay colline salamat sa inpormasyon, mamaya luluwas ako ng puerto aalamin ko ang buong pang yayari.” Matapos ang usapang iyon ay nag paalam na ang dalawa upang matulog na ulit dahil alanganing oras pa, ngunit si henry ay hindi makatulog sa kaiisip kay natalie,asan ka na ba natalie.? Oh! Diyos ko huwag mo po pahintulutan na may masamang mangyari kay natalie. Tanging nasambit ni henry ng mga oras na iyon. Naghahanda na si henry sa pag alis ng may bigla nalang tumawag sa kanya.”henry, gusto kita makausap mag kita tayo sa coffe shop mamaya pag ka dating ko dyan im on my way na.”sabi nito sa binata. Sinabi naman ni henry na paluwas sana ito ng puerto para alamin ang ngyari kay natalie ngunit pinigilan na siya ng binata at sinabing wala rin mang yayari kung pupunta pa siya doon at sinabi nito na antayin nalang ang tawag nito mamaya pag kadating galling sa biyahe. Sinunod naman ni henry ang bilin ng misteryosong caller nito at sinabi na mag aantay nalang ito ng kanyang tawag. Pag katapos noon ay bumalik na sa loob ng bahay si henry at nagtungo sa kanyang mini bar upang uminom ng alak ng sa ganun ay makalimot ng kaunti. “bitiwan niyo ako ano ba nasasaktan ako.”pagpipiglas ng dalaga sa pagkakahawak sa kanya,”sumunod ka nalang miss kung ayaw mong masaktan lalo.”sabi ng lalake na may hawak kay natalie.”san niyo po ba ako dadalhin, ano ba ang kasalanan ko sa inyo?”tanong ni natalie sa mga ito.”dadalhin ka naming sa isang kaibigan, wala kang kasalanan sa amin napag utusan lang kami, andito kami para sumunod sa utos ng amo naming kaya pasensya kana.”mahabang sabi ng lalake kay natalie. “well, well, well, your finally here natalie.” Sabi ng isang babae na di naman matukoy ni natalie kung sino dahil nakapiring ang mga mata nito.”do you still remember me natalie?”sa sinabing iyon ay bigla inalis nito ang piring sa mga mata ni natalie, laking gulat naman ng dalaga sa nakita kung sino ang nasa likod ng pag kidnap sa kanya.”mylene” ayon lang ang tanging nasabi ni natalie. Humalakhak naman si mylene dahil sa nakitang pag kagulat ni natalie dahil sa
nalaman na siya ang nag pa kidnap sa kanya.”long time no see natalie, hindi ka ba natutuwa at nakita mo ako hmmmm”sabay himas sa pisngi ng dalaga.”huwag mo akong hahawakan”sabay dura naman ni natalie sa pisngi ni mylene, dahil sa galit ay sinampal nito ang dalaga. Ramdam naman ni natalie ang matinding kirot na dulot ng sampal na iyon, first time sa buong buhay niya na may sumampal sa kanya.”wala ka ng magagawa natalie hawak kita sa palad ko kaya kung ano man ang gusto ko ay siyang masusunod..”sabi nito kay natalie. Sabay utos sa mga tauhan nito na ibalik na sa bodega ang dalaga at ikulong doon.sinunod naman agad siya ng tauhan. “mr. del area?”tanong ng binata kay henry.”yes!”tugon nito.”ikaw ba ang tumatawag sa akin?” tanong ni henry sabay alok nito na maupo ang binata sa kanyang harapan.”oo ako iyon,pasensya kana kung ngayon lang ako nakipag kita sa iyo may importanteng bagay lang ako na sasabihin sa iyo, tulungan mo ako hanapin si natalie, hawak siya ni mylene ngayon, sinubukan kong kausapin si mylene ngunit napaka tigas nito.”mahabang paliwanag ng lalake kay henry. Sinabi ni henry na handa siyang tumulong para mahanap lang si natalie, lahat ay gagawin niya para sa dalaga. Bagay na kinatuwa naman ng kausap dahil alam nito kung gano kamahal ng binata ang kaibigang si natalie. Nag plano ang dalawa kung ano mang aksyon ang gagawin upang matagpuan ang dalaga, una ay pinaalam nito sa batas ang nangyaring pag kidnap, tinugon naman sila ng pulisya at sinabi ng dalawa na handa silang maki pag cooperate para mahanap agad ang dalaga. “henry, honey akala ko hindi ka darating,halika maupo ka rito pinag luto kita nang paborito mo.”alok ni mylene sa binata. “pasensya kana nahuli ako ng dating ang daming trabaho sa opisina ngayon,”paliwanag ni henry habang niluluwanangan nito ang kurbata na suot, pakiramdam niya ay di siya makahinga. Lumapit naman si mylene at minasahe ang kanyang balikat at sabay yakap nito sa binata.”yah alam ko na pagod ka kumain na tayo aalisin ko ang pagod mo pag katapos nito”pag lalambing ni mylene sa binata. Kumain na ang dalawa ng hapunan, tahimik na sumusubo si henry habang nag iisip, kailangan gawin niya ito, kailangan malaman niya kung asan tinago ni mylene si natalie. Matapos ang hapunan ay inaya ni mylene ang binata sa terasa upang uminom ng alak, binigyan ni mylene ng
isang kopita ng wine ang binata at lumapit ito dito at sinabing cheers, cheers dahil mag kasama sila sa gabing iyon, tumugon naman ang binata sa sinabi ni mylene at sabay lagok nito ng nasabing wine. Samantala si mylene naman ay yumakap kay henry at sinabi nitong mahal na mahal niya ang binata at kahit ano ay gagawin nito para lamang makasama ang binata sa buong buhay niya. Ngiti lang ang tugon ni henry sa mga sinabi ni mylene dahil ang buong katotohanan ay kinasusuklaman niya ang dalaga. “kailangan ko na umuwi may aayusin pa akong mga report for tomorrow.”sabi ni henry sa dalaga. Aktong hahalikan na ito ni mylene ngunit umiwas ang binata at ssinabi nito na uuwi na ng bahay, nainis naman si mylene sa ginawa ng binata ngunit wala ito nagawa kundi ang payagan ito dahil nga dahil sa trabahong gagawin, ang hindi alam ni mylene ay nag sinungaling lang ang binata sa kanya nais lang nito umiwas sa balak na mangyari ni mylene sa gabing iyon. “miss kumain kana, ilang araw ka nang di kumakain baka mag kasakit kana niyan.” Pag aalala ng bantay ni natalie sa bodega. Samantala si natalie naman ay hindi kumikibo at nakatingin lang sa labas ng bintana. Dahil walang nakuhang sagot ang lalaki ay hinayaan na lang nito si natalie at iniwan ang pag kain sa mesa nito.”pare ayaw pa rin kumain ng babae,”sabi nito sa kasamahan.”hayaan mo siya kung ayaw niya ang arte niya siya na lang pinapakain ayaw pa. sige na bumalik kana sa pwesto mo.”utos nito sa kasamang lalaki. Napakamot nalang ng ulo ang binata na nag aalala kay natalie dahil sa tugon ng kausap. Samantala si natalie naman ay nakatulala lamang na tila nag iisip ng kung anong bagay, kailangan niya makatakas sa lugar na iyon, kailangan niya bumalik kay henry kailangan niya tuparin ang mga pangarap niya.pangarap na makasama si henry.hindi siya susuko, hinding hindi kahit anong gawin ni mylene sa kanya wala siyang paki alam ang mahalaga sa kanya siya ang mahal ni henry at hindi si mylene.dahil sa naisip ay napangiti ang dalaga.matatapos din ang lahat ng pag hihirap mo natalie.tanging sambit na lang ng dalaga sa sarili. “henry wala pa rin ba balita kay natalie?”tanong ni colline sa kaibigan,”nag aalala na ako ng husto baka kung ano ano na nangyari sa kaibigan natin.”sabi ni colline habang kausap sa telepono ang binata.sinabi ni henry na alam na niya kung sino ang kumuha kay natalie at nabigla naman ang dalaga sa nalaman, sinabi rin nito kung
ano ang plano niya, plano niyang bantayan ang bawat kilos ni mylene upang matunton ang kinaroroonan ni natalie, walang ibang nabanggit si colline dahil sa pag kabigla kundi ang salitang mag iingat ka henry.kahit paano ay may inpormasyon na rin nalaman si colline at lubos siyang natatakot sa maaring gawin ni mylene sa dalaga kaya pinag dasal na lang nito na sanay ay mahanap agad ang kaibigan.”mommy, bakit malungkot ka?”tanong ng anak ni colline habang kinakalabit siya nito at nakatingin sa kanya, buong higpit naman na niyakap ni colline ang anak at sinabi nito na okay lang siya at huwag mag alala. “colline, anong nangyari?” tanong naman ni Josephine na nag balik galing America at buong higpit na niyakap ang kaibigan dahil sa ito ay napa iyak na sa sobrang pag aalala.” Hedrick mag laro kayo ni trish sa room mo diba sabi mo may bibigay ka sa kanya.”sabi ni colline sa anak upang di marinig kung ano man ang pag uusapan nang dalawa.”yes mommy, trishh halika dun sa room ko, tita mag lalaro lang kami ni trish hah,”magalang na paalam ni Hedrick kay jo at sinang ayunan naman iyon ng babae.pag ka alis ng dalawang bata ay na upo ang dalawa sa sofa at pinag usapan na ang problema, bumalik agad si jo pag kagaling sa America dahil nasa maayos nang kalagayan ang kanyang mother in law at nabalitaan niya na may nang yaring masama kay natalie kaya pinayagan naman ito agad ni roel, at sinabing susunod ang asawa pag katapos ng huling therapy ng mommy nito. Pinaliwanag ni colline ang buong detalye kay jo at galit na galit naman ang dalaga kay mylene.hindi inaasahan ni jo na mangyayari ito sa kaibigang si natalie.pinaalam din ni colline kay henry ang pag dating ni jo at ng anak nito at natuwa naman si henry sa nalaman handing tumulong si jo para mahanap din ang kaibigan, handa siya mag bayad ng malaking halaga kung sino man ang makakapag turo sa kinaroroonan ng kaibigan. “ano natalie gusto mo ba na patayin agad ang sarili mo sa gutom?” sabi ni mylene kay natalie dahil nalaman nito na di pa pala kumakain ang dalaga.” Kahit masamang tao ako natalie naawa pa rin ako sa iyo kaya ayan pinag handa pa kita ng masasarap na pag kain tapos di mo kakainin,hayaan mo na subuan kita.”sabay dakot ni mylene ng pagkain at pilit na pinapakain kay natalie.umiiwas naman si natalie sa pag subo ni mylene at di binubuka ang bibig nito, samantala si mylene naman ay panay dakot sa pagkain ni natalie at pilit na
sinusubo sa kanya kahit mag kanda tapon na ito sa damit ng dalaga. Sa inis ay kinuha nito ang tubig at binuhos sa pag mumukha ni natalie. Akmang susubuan na ulit siya ni mylene at binuka ng dalaga ang bibig at tinanggap ang pagkain na sinusubo ni mylne pagkatapos ay bigla nitong ibinuga sa pag mumukha ng dalaga, sa galit ay sinampal niya ng kaliwat kanan si natalie at pinag sasabunutan, “walang hiya ka wala kang galang.ummpp ito bagay sa iyo” at sinipa nito si natalie. Tikom ang bibig ni natalie at tinanggap kung anu man ang gawin sa kanya ng dalaga dahil para sa kanya wala ang sakit na iyon kumpara ng sakit sa puso na naranasan niya ng mag kahiwalay sila ni henry.tinigil ni mylene ang pananakit kay natalie dahil sa may natanggap na tawag galing kay henry.”hello honey napatawag ka, ano gusto mo magkita tayo, okay saan. Suree darating ako, I love you.”sabay baba nito ng phone at baling kay natalie at humahalakhak palayo sa dalaga.totoo kayang si henry ang tumawag kay mylene pero bakit? Kasama ba si henry sa mga plano ni mylene, uhhhh ang sakit ng sobra ng ulo ni natalie para mag isip pa nang ganun. “miss, kumain ka na, ito dinalhan kita ng gamot alam ko na masakit ang katawan mo, please sumubo ka kahit konti tapos inumin mo ito, itago mo hindi nila alam na dinalhan kita ng gamot.” Sabi ng lalaki kay natalie. Pag katapos ay lumabas na agad ito ng bodega dahil baka makahalata ang mga kasamahan kung mag tatagal ito sa loob. Dahil sa sinabing iyon ay kumain kahit konti ang dalaga at ininom ang gamot na binigay ng lalaki, tama kailangan niya maging malakas, kailangan niya malabanan si mylene, kung manghihina siya wala siyang kalaban laban sa bruhang iyon. “mr henry?, alam ko po kung asan si natalie.” Sabi ng caller kay henry laking gulat naman ng binata sa narinig.”hah, asan si natalie, anung lugar? Kamusta siya?”daming tanong ni henrys a caller at di na nito naitanong ang pangalan ng tumawag. Sinabi ng caller na puntahan agad ang dalaga sa nasabing address at magkita sila doon, pagkatapos sabihin ng caller ang impormasyon ng lugar ay binaba na nito ang telepono. Laking pasalamat naman ni henry dahil ngayon alam na niya kung saan tinago ni mylene ang dalaga. Pag katapos ay tinawagan agad ni henry ang mga kaibigan upang ipag bigay alam sa mga ito. “pare hanggang kailan ba natin babantayan iyong pina dukot ni boss?”tanong ng isang maskuladong lalake sa kasamahan nito habang
umiinom ng alak.”hindi ko rin alam wala pang sinasabi si boss kung ano ba talaga ang balak niyang gawin ang pag kakaalam ko lang eh pakakawalan din iyong babae pag katapos ni boss makuha ang gusto niya.”sagot nito,”hoy larry san ka pupunta?”biglang lingon ng dalawa sa bandang likuran dahil narinig nito na may nag bukas ng pinto.”dito lang sa labas mag papahangin sandali, babalik din ako agad.” Sabi nito.”sige bilisan mo lang at parating na si boss,”bilin nito, sumang ayon naman ang lalake sa sinabi ng kasamahan nito at sinabing babalik din agad. “pare may naka pasok sa boundery natin.”sabi ng lalake na hinihingal pa dahil sa ginawang pagtakbo papasok sa loob ng building na tinataguan.”ha? ano? Paano nangyari iyon diba may nakabantay naman sa labas ng building na ito, mga inutil sige huwag hayaan na makapasok iyan ditto sa loob malilintikan tayo kay boss niyan.”utos nito at sabay punta sa pinagtataguan nito ng mga baril.

